121 AdbiyentoHalimbawa

Ano ang Pag-ibig/Bakit Kailangang Umibig?
Ang kahulugan ng pag-ibig ay may pagkakaiba-iba katulad ng bilang ng mga taong tinanong na tukuyin ito. Ang isa ay maaaring magsabi na ito ay damdamin, na nakabatay sa likas na pag-iisip at pag-uusap ng tao. Ang isa pa ay maaaring magsabi na ito ay isang pagpili, isang bagay na nakahihigit sa damdamin at nakasalalay sa kalooban at determinasyon ng tao. Subalit ang isa pa ay maaaring maghinuha na ito ay isang puwersa ng kalikasan, na mahiwagang hindi makokontrol o lubos na nauunawaan ng ating limitadong pagkatao. Ngunit ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan? Ano ang sinasabi ng Diyos na pag-ibig at kung paano natin malalaman ito kapag nakita natin ito sa mundo na nabahiran ng kasalanan at kadiliman?
Ipinakilala ng Banal na Kasulatan ang pagkakaiba ng pag-ibig ng tao at ng pag-ibig ng Diyos, ang huli ay perpekto at ang una, habang ang isang sulyap sa bahagi ng pag-ibig ng Diyos, ay imposibleng maging perpekto dahil sa kalikasan ng pagkakaroon ng kasalanan. Mahalaga na kilalanin natin ang ating walang kakayahan na maranasan ang kabuuan ng pag-ibig maliban kay Cristo, na nag-aalis ng kasalanan at nagpapahintulot sa atin na makita ang pag-ibig nang malinaw at buo. Ito ang dahilan kung bakit ang adbiyento ni Cristo ay hindi lamang nagbibigay sa atin ng pinakamalaking pagpapakita ng pag-ibig, subalit pinapahintulutan din nito ang posibilidad na malaman at maranasan natin ang pag-ibig.
Ang isa sa pinakapopular na talata sa Banal na Kasulatan sa paksa ng pag-ibig ay nagbibigay sa atin ng maliwanag na kahulugan ng pag-ibig sa pamamagitan ng mga katangian nito, ano ito, ano ang hindi (1 Mga Taga-Corinto 13). Karaniwan tayo ay hinihikayat na umibig sa ganitong paraan, gayunpaman, kailangan din nating makita ang mga katangiang ito ng pag-ibig sa pagganyak ng pag-ibig ng Diyos patungo sa atin kay Cristo. At higit sa lahat, na hindi tayo nagpaparangal sa sarili bilang sakop ng Kanyang pag-ibig dahil tayo ay napakalaki, ngunit ang Kanyang pag-ibig sa kabila natin, ay nagtatagumpay sa malaking kadiliman ng kasalanan at kamatayan na tinataglay natin hiwalay sa Kanya.
Bakit tayo umiibig? Kapag may kumpleto tayong pang-unawa sa pag-ibig, perpektong pag-ibig na ipinakita sa atin sa sa mapagmahal na pagbibigay ng Diyos sa Kanyang Anak, ang pagbubuhos ng pag-ibig sa iba ay hindi lamang makatuwiran, kundi may pagkukusa. Umiibig tayo dahil una Niya tayong inibig.
Mga Mag-anak na May Maliliit na Anak
MGA BATA, Ano ang masasabi ninyong kahulugan ng salitang pag-ibig? Paano ninyo ilalarawan ito? Sino ang ilang taong mahal ninyo? Ano ang ilang bagay na mahal ninyo? Alam ninyo ba na ang pag-ibig ng Diyos ay perpekto? Oo, talaga! Mahal kayo ng Diyos ng pag-ibig na higit sa anumang bagay na kaya ninyong maunawaan! Minahal Niya kayo bago pa man kayo nabuo sa sinapupunan ng inyong ina at minamahal Niya kayo kahit ano ang mangyari! Ang Kanyang pag-ibig ay hindi nakabatay sa isang damdamin o anumang magandang bagay na ginagawa ninyo. Minamahal Niya kayo nang walang pasubali. Ang panahon ng Adbiyento ay isang perpektong panahon upang magnilay sa Pag-ibig ni Cristo. Ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak, na si Jesus, para maipanganak bilang isang perpektong sanggol upang Siya ay lumaki na isang perpektong tao upang mamatay bilang sakripisyo para sa ating mga kasalanan. Iyan ang tunay na pag-ibig!
Basahin ang 1 Juan 4:7-21. MGA BATA, Saan nanggagaling ang pag-ibig? (sa Diyos)Posible bang makilala ang Diyos na hindi nagpapakita ng pag-ibig? (hindi, dahil ang Diyos ay pag-ibig) Paano ipinakita ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin? (ipinadala Niya ang Kanyang bugtong na Anak upang tayo ay mabuhay sa pamamagitan Niya) Kailangan nating mahalin ang ibang tao? (dahil minamahal tayo ng Diyos) Kung tunay nating minamahal ang Diyos sino pa ang dapat nating mahalin? (lahat ng tao)
Basahin ang 1Mga Taga-Corinto 13:1-8. MGA BATA, Masasabi ninyo bang ang pag-ibig ay mahalagang bagay para sa atin na magkaroon? Ilista ang mga bagay na natutunan ninyo tungkol sa pag-ibig mula sa mga talatang ito. Pasalamatan ang Diyos para sa Kanyang hindi nagmamaliw na pag-ibig para sa iyo. Pasalamatan ang iyong pamilya para sa kanilang pag-ibig sa iyo. Paano mo maipapakita ang pag-ibig ni Jesus sa mga nakapaligid sa iyo? Sa anong mga paraan sa palagay mo ang Diyos ay patuloy na magpapakita sa iyo ng pag-ibig? Tanungin ang inyong mga magulang ng parehong tanong.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang kapanganakan ni Cristo, ang Kanyang adbiyento, ay tanda ng sukdulang plano ng Diyos para sa ating katubusan. Kay Cristo, makikita natin ang pinakabuong larawan ng pag-asa, kapayapaan, kagalakan at pag-ibig ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay ang katotohanan kung saan alam natin at lumalakad tayong kasama Siya araw-araw. Inaasahan namin na ang gabay na ito ay maghihikayat at makakatulong sa personal na oras na paggugol sa Salita at magbigay ng isang kasangakapan para sa mga pamilya na may mga anak na gawin iyon nang sama-sama.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Mag One-on-One with God

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord

Buhay Si Jesus!

God Is With You

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

Dayuhan Tayo Sa Mundo

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Ang Kabutihan Ng Panginoon Sa Psalm 103

The Cross | Ang Krus at ang Kahulugan Nito sa Naliligaw na Sangkatauhan
