121 AdbiyentoHalimbawa

Ang Pinagmumulan ng Pag-ibig
Mariing ipinapahayag ni Juan, "Ang Diyos ay pag-ibig." Ang pinagmumulan ng pag-ibig ay ang Diyos mismo. Hindi na ang Diyos ay larawan lamang ng pag-ibig, ang pag-ibig ay mag-isang tinukoy, umiiral at simpleng ipinapakita ng Diyos. Ngunit ang Diyos na iyon ay ang mismong kahulugan ng pag-ibig, ang dati nang umiiral na pag-ibig at pag-ibig na bunga ng Kanyang karakter at katauhan. Kung wala ang Diyos, wala tayong batayan ng pag-ibig at walang kakayahan na umibig.
Ang pinagmumulan ng pag-ibig sa atin ay nagiging Espiritu ng Diyos, na nananahan sa ating kaligtasan. Ito ay nagiging posible lamang sa pamamagitan ng pagdating ni Jesus, na ang pag-ibig ng Diyos ay nagtulak sa Kanya na ipadala ang Kanyang Anak para sa ating kaligtasan. Ang buhay, kamatayan at muling pagkabuhay ni Cristo, na nagsisimula sa at naging posible sa pamamagitan ng Kanyang adbiyento, ay katunayan ng kapangyarihan ng pag-ibig ng Diyos upang mapagtagumpayan ang kasalanan at kamatayan, na hind kayang magpaalis sa pag pag-ibig. Ang pag-ibig ng Diyos ay nagtatagumpay sa mga puwersa sa lupa, sa lahat ng emosyon ng tao at sa mga pagbabalatkayo ng pagmamataas at yaong pagiging makasarili.
Isipin ang kalikasan ng pag-ibig ng Diyos, na inihalimbawa ni Cristo, bilang pinagmumulan ng pag-ibig na una nating naranasan at ipinamuhay. Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi makasarili at masakripisyo. Ibinigay Niya ang Kanyang sarili para sa atin (Juan 3:16). Ang pag-ibig ng Diyos ay walang pasubali, ibinigay ito sa atin nang tayo ay hindi karapat-dapat dito (Mga Taga-Roma 5:8). Ang pag-ibig ng Diyos ay walang hanggan (Jeremias 31:3). Ang pag-ibig ng Diyos ay makapangyarihan. Ang pag-ibig ng Diyos ay nagpapagaling at nag-aaliw ngunit nagsisilbi rin bilang ating tagapagtanggol, tinalo ng Kanyang pag-ibig ang kaaway para sa atin. Ang pag-ibig ng Diyos ay nagpapabago ng buhay (1 Juan 419). Walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos.
Mga Mag-anak na May Maliliit na Anak
Sinasabi natin na gusto nating ang maraming mga bagay. Gusto ko ang soccer. Gusto ko ang pizza. Gusto ko ang kendi. Mahal ko ang aking nanay at tatay. Natutuhan natin kung ano ang pag-ibig, ngunit saan nagmumula ang pag-ibig na iyon?
Basahin ang 1 Juan 4:7.MGA BATA, Saan nagmumula ang pag-ibig ayon sa talatang ito? (sa Diyos) Ang talatang ito ay maliwanag na nagsasabi sa atin na ang pag-ibig ay nagmumula sa Diyos. Kung kilala natin ang Diyos, kilala natin ang pag-ibig. Kilala mo ba ang Diyos? Naranasan mo na ba ang Kanyang pag-ibig?
Basahin ang Mga Taga-Roma 8: 37-39. MGA BATA, Ito ay kamangha-manghang balita! Ano ang sinasabi ng mga talatang ito tungkol sa pag-ibig ng Diyos? (walang makapaghihiwalay sa atin) Walang mas mabuting regalo ngayong Pasko kaysa sa pag-ibig na ipinakita ng Diyos nang ipinadala Niya ang Kanyang Anak upang iligtas tayo. Ang mga regalo ay nakakatuwa. Ang mga pagtitipon ay maganda. Ang mga ilaw ay nakakamangha. Ngunit, wala ang mga ito kumpara sa regalo ni Jesus. Kaya sa Paskong ito, kapag bumangon ka sa kama nang napakaaga, maglaan ng ilang panahon upang alalahanin na ang pinakamagandang regalo sa lahat ay hindi ang nasa iyong Christmas tree.
Tungkol sa Gabay na ito

Ang kapanganakan ni Cristo, ang Kanyang adbiyento, ay tanda ng sukdulang plano ng Diyos para sa ating katubusan. Kay Cristo, makikita natin ang pinakabuong larawan ng pag-asa, kapayapaan, kagalakan at pag-ibig ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay ang katotohanan kung saan alam natin at lumalakad tayong kasama Siya araw-araw. Inaasahan namin na ang gabay na ito ay maghihikayat at makakatulong sa personal na oras na paggugol sa Salita at magbigay ng isang kasangakapan para sa mga pamilya na may mga anak na gawin iyon nang sama-sama.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Mag One-on-One with God

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord

Buhay Si Jesus!

God Is With You

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

Dayuhan Tayo Sa Mundo

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Ang Kabutihan Ng Panginoon Sa Psalm 103

The Cross | Ang Krus at ang Kahulugan Nito sa Naliligaw na Sangkatauhan
