121 AdbiyentoHalimbawa

Ano ang Pag-asa?
May malinaw na pagkakaiba sa kahulugan ng pag-asa mula sa pananaw ng isang ordinaryong tao, at ang kahulugan ng pag-asa na makikita natin sa Banal na Kasulatan. Karaniwan na ang umasa, tama? Tayo ay umaasa na makakuha ng trabaho. Tayo ay umaasa na ang ating mga anak ay may maayos na pag-uugali. Tayo ay umaasa na kumita tayo ng sapat na salapi upang mabayaran ang ating mga bayarin. Ngunit ang ating pag-asa bilang tao ay nagpapahiwatig ng isang antas ng walang katiyakan, hindi tiyak ang mga bagay, may mga posibilidad ngunit walang mga katiyakan. Sa Banal na Kasulatan, gayunpaman, pinapawalang-bisa ng pag-asa ang walang katiyakan. Sa katunayan, ang katiyakan ay nasa kaibuturan nito, sapagkat nakasalalay ito sa katatagan ng Diyos, sa Kanyang karakter at sa Kanyang kalooban, na hindi natitinag. Ang pag-asa sa Biblia, kung gayon, ay mangangahulugang, “ang pagtitiwala sa hinihintay at pagnanais para sa isang bagay na mabuti sa hinaharap.”
Makikita rin natin sa Banal na kasulatan ang malapit na koneksyon ng pag-asa at pananampalataya. Sa Mga Hebreo 6:11-12, ang sumulat ng Mga Hebreo ay gumamit ng katagang, “ganap na katiyakan ng pag-asa”. Ang talatang ito ay ginamit din sa Mga Hebreo 10:22 at isinaling, “ganap na katiyakan ng pag-asa”. Ang pananampalatayang tinukoy sa atin sa Mga Hebreo 11:1 ay nagsasabi sa atin na ang pananampalataya ay parehong katiyakan ng mga bagay na inaasam para sa paniniwala sa mga bagay na hindi nakikita. Kaya ang pag-asa ay isang elemento ng pananampalataya na tumitingin na partikular patungo sa hinaharap, habang ang pananampalataya ay sumasaklaw sa isang paniniwala at pagtitiwala sa Diyos sa ating mga nakaraan, at sa ating hinaharap. Ang pagkakaibang ito ay mahalaga upang maunawaan ang pagtitiwala na nakasalalay sa biblikal na pakahulugan ng pag-asa. Ang pag-asa ay mahalaga sa ating pananampalataya.
Mga Mag-anak na May Maliliit na Anak
MGA BATA, Ano ang ilan sa mga bagay na inaasahan mo? Marahil ay umaasa ka sa Pasko na dumating dito nang mabilis? Marahil umaasa ka na makuha mo ang isang regalo na gustong-gusto mo? Umaasa ka ba na uulan ng niyebe? Madalas tayong umaasa sa mga bagay ngunit hindi natin tiyak kung mangyayari o hindi. Sinasabi sa atin ng Banal na Kasulatan na tayo ay makatitiyak sa ating pag-asa kay Cristo at hindi natin kailangang magduda!
Basahin ang Mga Hebreo 6:11-12 at Mga Hebreo 11:1. MGA BATA, Ano ang katulad ang pag-asa? (pananampalataya) Ang pananampalataya ay katiyakan ng mga bagay na inaasahan, upang tayo ay magkaroon ng kumpletong pagtitiwala sa mga pangako ng Diyos. Kaya may pagkakaiba ba sa ating pag-asa sa mga bagay sa sanlibutang ito at pag-asa na mayroon tayo kay Cristo?
Basahin ang Lucas 1:5-17.MGA BATA, Sa palagay ba ninyo na umaasa si Elizabet sa isang anak? Sino ang sinasabi ng mga talatang ito na darating? (Juan Bautista) Ano ang layunin ni Juan Bautista? (upang maghanda ng daan para kay Cristo at ihanda ang mga tao para sa Kanyang pagdating) Ano ang ilang mga bagay na natutunan ninyo kung sino si Juan ayon sa mga talatang ito? (siya ay magiging matuwid at dakila sa paningin ng Panginoon, tutulong siya na ibalik ang bayan ng Diyos sa Kanya, at siya ay mapupuspos ng Banal na Espiritu)
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang kapanganakan ni Cristo, ang Kanyang adbiyento, ay tanda ng sukdulang plano ng Diyos para sa ating katubusan. Kay Cristo, makikita natin ang pinakabuong larawan ng pag-asa, kapayapaan, kagalakan at pag-ibig ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay ang katotohanan kung saan alam natin at lumalakad tayong kasama Siya araw-araw. Inaasahan namin na ang gabay na ito ay maghihikayat at makakatulong sa personal na oras na paggugol sa Salita at magbigay ng isang kasangakapan para sa mga pamilya na may mga anak na gawin iyon nang sama-sama.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Ang Kabutihan Ng Panginoon Sa Psalm 103

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Nagsasalita Siya Sa Atin

Dayuhan Tayo Sa Mundo

God Is With You

Buhay Si Jesus!

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord

The Cross | Ang Krus at ang Kahulugan Nito sa Naliligaw na Sangkatauhan

Mag One-on-One with God
