121 AdbiyentoHalimbawa

Paano Natin Isasabuhay ang Pag-asa?
Kung alam natin na ang pag-asa ay nanggagaling sa Diyos at ito ay inaangkin ng mananampalataya sa kaligtasan, bakit napakahirap ipamuhay ito? Bakit marami sa atin, biling mga Cristiano, ang walang pag-asa?
Habang tinitingnan natin nang mabuti ang pag-asa, ang Banal na Kasulatan ay hindi lamang nagbibigay sa atin ng pinanggagalingan ng pag-asa at ang dahilan para sa paninirahan ng pag-asa, kundi ang paraan din kung paano tayo mananagana sa pag-asa. Ang pag-asa ay nagiging posible sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu (Mga Taga-Roma 15:13). Kapag inilagay natin ang ating pananampalataya at pagtitiwala kay Cristo para sa kaligtasan, buong kagandahang-loob Niyang ibinibigay sa atin ang Kanyang Espiritu. Ang Kanyang Espiritu ay si Cristo na nasa atin, ang pag-asa ng kaluwalhatian (MgaTaga-Colosas 1:27). Binigyan tayo ng Diyos ng pag-asa, ngunit dapat tayong manatili sa Kanya at sa Kanyang Espiritu na nasa atin, upang maranasan at ipamuhay ang pag-asa.
Ang kagandahan ng pag-asa na dinala sa pamamagitan ni Cristo at nagbigay buhay sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu, ay nagbibigay ito sa atin ng kakayahan na magkaroon ng matibay na pag-asa, na lumalampas sa mga pangyayari sa mundo at sa walang katiyakan. Nagsisimula tayong umasa hindi para sa isang tiyak na resulta o kalalabasan, kundi sa pag-ibig ng Diyos na ipinakita ni Cristo sa Krus. Ginagawa nito ang ating kalagayan na walang kabuluhan, na makapagpapatunay ng isang makapangyarihang patotoo para sa mga hindi nakakakilala kay Cristo. Sa katunayan, nakita ni Pedro ang ating pag-asa bilang isang bagay na nagbubukod sa atin, isang bagay na dapat tayong maging handa na magbigay ng dahilan upang ituro ang iba kay Cristo (1 Pedro 3:15).
Kaya ayos lang na umasa sa mga sitwasyong nagaganap; para sa isang bagong trabaho? para lumago ang isang relasyon? para maging magaling sa isports o paaralan ang isang bata? para maging matagumpay ang isang panukala sa negosyo? Oo. Gayunpaman, ang ating pag-asa ay nakaugat kay Cristo, anuman at kung minsan kahit ano ang kalalabasan.
Ang pinagtutuunan ba ng iyong pag-asa ay para sa isang bagay o sa katauhan ni Jesus? Kanino mo maaaring ibahagi iyon ngayon?
Mga Mag-anak na May Maliliit na Anak
Basahin ang Mga Taga-Colosas 1:27. MGA BATA, ayon sa talatang ito ano ang pag-asa ng kaluwalhatian? (Si Cristo na nananahan sa inyo) Upang matanggap ang Kanyang pag-asa, dapat tayong magkaroon ng personal na relasyon ka Jesus. Hindi natin maisasabuhay ang pag-asa kung wala sa Kanya. Ang dakilang bagay sa pag-asa kay Cristo ay kahit na ang iyong pag-asa sa ibang bagay ay mawawala, ang iyong pag-asa kay Cristo ay mananatili. Ito ay isang tuloy-tuloy na uri ng pag-asa na hindi nakasalalay sa iyong sitwasyon o kalagayan. Sabihin natin na inaasahan mo ang isang bagay ngunit hindi mo ito nakukuha o hindi ito nangyayari. Maaari ka pa ring magkaroon ng pag-asa dahil si Jesus ay hindi nagbabago anuman ang mangyari. Paanong ang iyong pag-asa ay na kay Jesus, sa halip na para sa isang bagay?
Basahin ang Lucas 1:26-45. MGA BATA, Ano ang sinabi ng anghel ng Panginoon kay Maria? (na ang Diyos ay lubhang nalulugod sa kanya at siya ay magkakaroon ng anak) Nalaman ni Maria na ang kanyang pinsan, na si Elizabet, ay nagdadalantao din, maging sa kanyang katandaan. Nakarinig ka na ba ng balita na nakakagulat o mahirap maunawaan? Paano ka tumugon? Paano tumugon si Maria nang marinig niya ang nakagugulat na balitang ito? (alam niya na siya ay lingkod ng Panginoon) Paanong ang tugon ni Maria ay iba sa tugon ni Zacarias? (Si Maria ay naniwala at si Zacarias ay nag-alinlangan) Ano ang maaari mong matutunan sa tugon ni Maria?
Tungkol sa Gabay na ito

Ang kapanganakan ni Cristo, ang Kanyang adbiyento, ay tanda ng sukdulang plano ng Diyos para sa ating katubusan. Kay Cristo, makikita natin ang pinakabuong larawan ng pag-asa, kapayapaan, kagalakan at pag-ibig ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay ang katotohanan kung saan alam natin at lumalakad tayong kasama Siya araw-araw. Inaasahan namin na ang gabay na ito ay maghihikayat at makakatulong sa personal na oras na paggugol sa Salita at magbigay ng isang kasangakapan para sa mga pamilya na may mga anak na gawin iyon nang sama-sama.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Ang Kabutihan Ng Panginoon Sa Psalm 103

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Nagsasalita Siya Sa Atin

Dayuhan Tayo Sa Mundo

God Is With You

Buhay Si Jesus!

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord

The Cross | Ang Krus at ang Kahulugan Nito sa Naliligaw na Sangkatauhan

Mag One-on-One with God
