Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

121 AdbiyentoHalimbawa

121 Advent

ARAW 6 NG 24

Pag-aalinlangan: Isang Balakid sa Pag-asa

Kung ang pananampalataya sa kabuuan, na sumaklaw sa pag-asa, ay "ang katiyakan ng mga bagay na inaasahan at ang paniniwala sa mga bagay na di nakikita (Mga Hebreo 11:1),” naangkop na ito ay sumasalungat sa ating mga buhay at puso dahil sa pag-aalinlangan, na tumutukoy sa pakiramdam ng walang katiyakan o kakulangan sa paniniwala.

Iniuugnay ni Pablo ang pananampalataya kay Abraham at inilalarawan ang koneksyon sa pagitan ng pananampalataya at pag-asa sinasabi, “Sa pag-asa naniwala siya laban sa pag-asa.” (Mga Taga-Roma 4:18) Naniwala siya laban sa pag-asa mula sa pananaw ng isang tao at naniwala sa pag-asa na nakasalig sa karakter ng Diyos. Sa katunayan, ang mga kalagayan ni Abraham ay tila imposible sa tao. Ang pangako ng isang tagapagmana ay walang pag-asa sa harap ng katandaan at pagkabaog. Ngunit kapag ang pag-asa ay nakasalig sa Diyos, na makagagawa at gumagawa, sa katunayan ay gumagawa ng imposible (Mateo 19:26), ang larangan ng posibilidad ay walang limitasyon. Ang ating pag-asa ay nananagana sa Kanyang kakayahan, Kanyang kabutihan at Kanyang katapatan sa atin, ang Kanyang mga anak. Tayo ay may “buong katiyakan ng pag-asa.”

Kadalasan tayo ay takot na umasa sa mga bagay dahil tayo ay nag-aalinlangan na ang mga ito ay posible o nag-aalinlangan tayo sa kalooban kung saan sila nakasalig. Marahil tayo ay binigo, may mga sugat tayo ng nakaraan at matinding pagkabigo na nagtatakip sa ating kakayahan na umasa. Ang ating nakaraang karanasan o kasalukuyang mga kalagayan ay lumilikha ng nagbabantang pag-aalinlangan at kawalan ng pananampalataya sa kabutihan sa hinaharap. Sa mga sandaling ito kailangan nating ilipat ang ating pagtuon mula sa pansamantala patungo sa walang hanggan at sa katotohanan ng Ebanghelyo. Kailangan nating kunin ang katotohanan mula sa Salita ng Diyos, ang katotohanan na nagpapatibay sa Kanyang hindi nagbabagong karakter at Kanyang dakilang pag-ibig sa atin na ipinakita kay Cristo. Ang kapangyarihan ng Ebanghelyo ay sumisira sa pag-aalinlangan.

Mga Mag-anak na May Maliliit na Anak

Basahin ang Lucas 1:57-1:80. MGA BATA, Nang si Elizabet at Zacarias ay nagkaroon ng anak ano ang ipinangalan nila sa kanya? (Juan) Bakit nagulat ang mga tao? (Kaugalian sa panahong iyon na isunod ang pangalan ng isang anak mula sa isa sa pamilya, kadalasan ay ang ama. Subalit, walang sinuman sa pamilya ay may pangalang Juan.) Paano sinabi ni Zacarias sa kanila ang pangalan na ibibigay sa sanggol? (isinulat niya ito sa isang tableta) Natatandaan mo ba kung bakit hindi siya nakapagsalita? (nag-alinlangan siya sa anghel nang sabihan siya na siya ay magkakaroon ng isang anak) Nang siya ay nakapagsalita na, ano ang una niyang ginawa? (nagpuri siya sa Diyos) Paano tumugon ang mga tao sa paligid niya? (sila ay namangha at nabatid nila na ang kamay ng Panginoon ay nasa bata)Sa awit ni Zacarias, ano ang inaasahan niya sa Panginoon na gawin? Ano ang mga pag-asang mayroon siya sa kanyang anak na si Juan? (na maging isang propeta na maghahanda ng daan para kay Jesus, nagbibigay ng karunungan ng kaligtasan) Ang mga bagay ba na inaasahan ni Zacarias ay natupad? (oo, siya ay naging matatag sa Espiritu)

Paano mo masisiguro na ang iyong pag-asa ay hindi mawawala?

Tungkol sa Gabay na ito

121 Advent

Ang kapanganakan ni Cristo, ang Kanyang adbiyento, ay tanda ng sukdulang plano ng Diyos para sa ating katubusan. Kay Cristo, makikita natin ang pinakabuong larawan ng pag-asa, kapayapaan, kagalakan at pag-ibig ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay ang katotohanan kung saan alam natin at lumalakad tayong kasama Siya araw-araw. Inaasahan namin na ang gabay na ito ay maghihikayat at makakatulong sa personal na oras na paggugol sa Salita at magbigay ng isang kasangakapan para sa mga pamilya na may mga anak na gawin iyon nang sama-sama.

More

Nais naming pasalamatan ang 121 Community Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://121cc.com/