Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

121 AdbiyentoHalimbawa

121 Advent

ARAW 9 NG 24

Ang Pinagmumulan ng Kapayapaan

Gaya ng naunang nabanggit, ang kapayapaan ay nasira sa Genesis 3 nang si Adan at Eva ay nagdala ng kasalanan sa mabuti at mapayapang mundo ng Diyos. Ang mapayapang relasyon sa pagitan ng Diyos at ng tao, at ng tao sa isa't isa, ngayon ay naging alitan at nasira.

Kadalasan, kapag mayroong alitan sa pagitan ng dalawang panig, ang isang tagapamagitan ay kinakailangan upang tumayo sa gitna ng dalawang panig at magdala ng pakikipagkasundo. Ang trabaho ng tagapamagitan ay upang ibalik ang kapayapaan sa pagitan ng dalawa, ibalik ang pananagana sa kanilang buhay. Kaya, ang kinakailangan din upang maibalik ang kapayapaan sa pagitan natin at ng Diyos ay isang Tagapamagitan. Upang magkaroon ng kapayapaan sa Diyos, ang isang tao ay kinakailangang makipagkasundong muli sa Diyos, nagdadala ng kapayapaan sa ating buhay. Noong unang panahon, sinasabi sa atin ni Isaias na ang Tagapamagitan na ito ay darating isang araw, at Siya ang Prinsipe ng Kapayapaan (9:6).

Sino ang Tagapamagitan na ito na isinulat ni Isaias? Sino ang Prinsipe ng Kapayapaan na ito? Sino ang taong ito na nag-aalok na makipagkasundo tayong muli sa Diyos at magdala ng tunay na kapayapaan sa ating buhay?

Sinabi ni Jesus, “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.” (Juan 14:27)

Sinabi ni Jesus, “Ang Aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.” (Juan 14:27)

Sinabi ni Jesus, “sa akin, magkakaroon kayo ng kapayapaan.” (Juan 16:33)

Si Jesus ang Tagapamagitan. Si Jesus ang tatayo sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan upang ibalik ang kapayapaan, upang ipagkasundo ang ating relasyon sa Diyos. Nang ipinanganak si Jesus, dumating ang kapayapaan sa ating mundo!

Mga Mag-anak na May Maliliit na Anak

Basahin ang Isaias 26:3. MGA BATA, Sinasabi sa atin ng Biblia na binibigyan tayo ng Diyos ng perpektong kapayapaan kapag taya ay lubusang nagtitiwala at umaasa sa Kanya. Sinasabi rin sa atin ng Biblia na gusto ni Jesus na maging ating matalik na kaibigan. Kapag tayo ay nagtiwala at umasa sa ating kaibigan, na si Jesus, tinatanggap natin ang kapayapaan na kailangan natin. Ipinadala ng Diyos si Jesus upang maging ating kaibigan at katulong. Napakasarap magkaroon ng matalik na kaibigan na nagnanais na magkaroon tayo ng kapayapaan sa loob at labas!

Pag-usapan kung gaano kahalaga ang iyong kaibigan. Sa anong mga paraan maaari kang makatulong sa iyong mga kaibigan, sa iyong mga magulang, sa iyong mga lolo at lola, sa iyong mga kapatid, sa iyong mga kapitbahay at maging sa iba na hindi mo kilala.

Basahin ang Lucas 2:6-7. MGA BATA, Anong kagalakan na ipinanganak ang sanggol na si Jesus! Subalit gaanong nakakatakot kung kailangan ng isang lugar na matitigilan at hindi makahanap ng isa? Ngunit, alam ni Maria at Jose na ang Diyos ang mangangalaga sa kanila, at ginawa Niya nga! Saan sila tumigil sa magdamag? (isang kamalig sa likod ng bahay panuluyan) Pagkatapos na ipanganak si Jesus Siya ba ay inilagay sa isang komportableng maaliwalas na kama? (hindi, siya ay inilagay sa isang sabsaban)

Habang nananalangin, tingnan ang palibot ng iyong kuwarto at pasalamatan ang Diyos na binigyan Ka niya ng isang kama, isang kuwarto, at isang tahanan! Pasalamatan Siya sa paghahanap ng isang lugar kay Jesus upang ipanganak at sa pagpapadala sa Kanya dito upang ating maging katulong sa lahat ng mga bahagi ng ating buhay.

Tungkol sa Gabay na ito

121 Advent

Ang kapanganakan ni Cristo, ang Kanyang adbiyento, ay tanda ng sukdulang plano ng Diyos para sa ating katubusan. Kay Cristo, makikita natin ang pinakabuong larawan ng pag-asa, kapayapaan, kagalakan at pag-ibig ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay ang katotohanan kung saan alam natin at lumalakad tayong kasama Siya araw-araw. Inaasahan namin na ang gabay na ito ay maghihikayat at makakatulong sa personal na oras na paggugol sa Salita at magbigay ng isang kasangakapan para sa mga pamilya na may mga anak na gawin iyon nang sama-sama.

More

Nais naming pasalamatan ang 121 Community Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://121cc.com/