Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

121 AdbiyentoHalimbawa

121 Advent

ARAW 7 NG 24

Ano ang Kapayapaan?

“Ang tunay na kapayapaan ay hindi lamang kawalan ng tensiyon, ito ay pagkakaroon ng katarungan.” MLK

Alam ni Martin Luther King Jr. na ang tunay na kapayapaan ay hindi lamang ang araw na ang karahasan batay sa lahi ay magwawakas, kundi kapag ang lahat ng tao ay magsasama-sama para sa kapwa ikabubuti ng iba. Ang kapayapaan ay hindi lamang ang pagtigil sa pag-aaway ng mga bata sa isa't isa, ito ay ang makita silang  nasisiyahan sa isa't isa.

Mula sa pasimula ng panahon, ang kapayapaan ay naunawaan hindi lamang kawalan ng masama, kundi ang pagkakaroon ng mabuti.

Sa Biblia, ang salitang Hebreo na ginamit para sa kapayapaan ay “shalom". Ang shalom ay nangangahulugan ng kabuuan, kumpletong pananagana sa buhay ng isang tao. Ayon sa Biblia, ang shalom ay kadalasan na ginagamit upang magpatungkol sa buhay ng isang tao na nagiging buo sa Diyos. Marahil ang pinakamabuting paraan upang isipin ang kapayapaan ay ang alalahanin ang mga unang araw sa lupa, bago ang kasalanan. Alalahanin kung ano ang sinabi ng Diyos pagkatapos Niyang likhain ang mga langit at lupa at ang lahat ng nasa loob nito. “At nakita ng Diyos na ang lahat ng Kanyang nilikha, at narito, ito ay napakabuti (Genesis 1:31).” Nilikha ng Diyos ang lahat upang tumakbo sa ganap na pagkakaisa kasama ang isa't isa at ang Diyos. Ito ang shalom; ito ang kapayapaan.

Mayroon ka ba ng kapayapaan na ito? Ang iyo bang kaluluwa ay nananagana kasama ang iyong Manlilikha? Maaari mo bang tingnan ang iyong buhay at sabihin, “Ito ay napakabuti”? Mabuting balita, ito ay sa iyo para kamtin!

Mga Mag-anak na May Maliliit na Anak

Basahin ang Mateo 8:23-27. MGA BATA, Sa kuwentong ito, bakit natakot ang mga alagad? (dahil mayroong bagyo) Ano ang ginagawa ni Jesus nang magsimula ang bagyo? (natutulog) Ano ang ginawa ni Jesus pagkatapos Siyang gisingin ng mga alagad? (Sinabihan Niya ang bagyo na 'TUMAHIMIK') Sa palagay mo ba ito ay nagbigay sa kanila ng kapayapaan at naramdaman nilang sila ay ligtas? Ano ang magbibigay sa iyo ng pakiramdam na ligtas? Saan ka pupunta upang magkaroon ng mapayapang lugar? (Hikayatin silang mag-isip ng natatanging mga lugar na mararamdaman nila na sila ay ligtas – ang kanilang tahanan, kanilang kuwarto, ang lugar sa paglalaro sa bakuran, atbp.. Ituro sa kanila ang katotohanan na kahit saan sila naroroon maaari nilang maramdaman ang kapayapaan ni Jesus dahil Siya ay lagi nilang kasama.) Magkaroon nang kaunting kasiyahan sa kuwento sa Biblia sa pamamagitan ng pag-arte nito!

Basahin ang Mateo 1:18-22. MGA BATA, Tiyak na tuwang-tuwa si Maria nang malaman niyang magkakaanak siya at ang sanggol na iyon ay Anak ng Diyos! Isang anghel ay dumating upang ipaalam sa kanya na siya ay magkakaroon ng anak. Nagtungo rin ang anghel kay Jose, ang kanyang asawa, at sinabi rin sa kanya! Kung ikaw ay may nakababatang kapatid, pag-usapan kung gaano ka kasabik nang sabihin sa iyo ng iyong ng iyong mga magulang ang balita sa bagong sanggol. Kung ikaw ang nakababatang anak, pag-usapan kung gaano kasabik ang buong pamilya nang malaman nila ang tungkol sa iyo! Ang pagiging bahagi ng isang pamilya ay nagdudulot ng kapayapaan at seguridad.

Habang nananalangin ka, pasalamatan ang Diyos na laging kasama mo. Pasalamatan Siya para sa iyong tahanan at sa iyong mga magulang na nagpapapadama sa iyo na ligtas ka. Pasalamatan Siya para sa iyong pamilya at manalangin para magkaroon ng kapayapaan sa lahat ng miyembro ng pamilya.

Tungkol sa Gabay na ito

121 Advent

Ang kapanganakan ni Cristo, ang Kanyang adbiyento, ay tanda ng sukdulang plano ng Diyos para sa ating katubusan. Kay Cristo, makikita natin ang pinakabuong larawan ng pag-asa, kapayapaan, kagalakan at pag-ibig ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay ang katotohanan kung saan alam natin at lumalakad tayong kasama Siya araw-araw. Inaasahan namin na ang gabay na ito ay maghihikayat at makakatulong sa personal na oras na paggugol sa Salita at magbigay ng isang kasangakapan para sa mga pamilya na may mga anak na gawin iyon nang sama-sama.

More

Nais naming pasalamatan ang 121 Community Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://121cc.com/