Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

121 AdbiyentoHalimbawa

121 Advent

ARAW 8 NG 24

Bakit Kapayapaan?

Maiisip mo ba ang isang mundo na kung saan ang lahat ay mabuti? Kung saan ang shalom ay karaniwan? Kung saan ang bawat tao, bawat pagsusumikap, bawat kaisipan ay mabuti? Ito ang mundong nilikha ng Diyos. Ito ang lugar ng kapayapaan, na sumasagana, para sa lahat ng tao at lahat ng bagay, sa kaluwalhatian ng Diyos at sa kabutihan ng iba.

Hindi nagtagal na ang kapayapaan ay lumipat sa pagkapoot. Hindi nagtagal na ang ikabubuti ng isa't isa ay lumipat sa pangsariling ambisyon. Ngayon, namumuhay tayo sa mundo na kung saan ang kapayapaan kadalasan ay mahirap dumating. Ngunit ang mundo ng pagkapoot, pagkamuhi at pangsarilng ambisyon ay hindi ang buhay na ninanais ng Diyos para sa atin. Hinahangad ng Diyos ang isang kaharian ng kapayapaan, ng katuwiran, ng kagalakan para sa lahat sa Banal na Espiritu (Mga Taga-Roma 14:17). Nilikha tayo ng Diyos upang mamuhay sa kapayapaan at pagnilayan ang kapayapaan ng Diyos (1 Mga Taga-Corinto 14:33) na pinaglilingkuran natin ng ating mga buhay.

Kapag tayo ay namuhay sa kapayapaan, ang Diyos ay naluluwalhati dahil Siya ang Diyos ng kapayapaan. Pinagninilayan natin Siya sa pamamagitan ng kapayapaan, ngunit nakakatanggap din tayo ng mabuting buhay, na sumasagana. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang kapayapaan!

“Sumainyo ang biyaya at kapayapaan mula sa Diyos ating Ama at ating Panginoong Jesu-Cristo.” Para sa Kanyang kaluwalhatian at sa ating ikabubuti!

Mga Mag-anak na May Maliliit na Anak

Basahin ang Mga Awit 46:10. MGA BATA, Alam ng Diyos na hindi tayo magkakaroon ng sakdal na kapayapaan kung wala Siya. Ninanais Niya sa atin na malaman ang uri ng kapayapaan na manggagaling lamang sa Kanya. Ninanais Niya na tayo ay magkaroon ng kapayapaan dahil mahal Niya tayo. Kapag kilala natin si Jesus, ang ating pag-asa sa Diyos ay totoo at maaari tayong magtiwala sa Kanya sa lahat ng panahon. Isang regalo ang magkaroon ng kapayapaan sa ating mga puso.

Paano mo ilalarawan ang kapayapaan? Bakit nais ng Diyos na magkaroon tayo ng kapayapaan sa ating buhay? Bakit gusto ng Diyos na tayo ay mamuhay ng payapa sa iba? Paano mo maipapakita ang kapayapaan sa tahanan, sa paaralan, sa palaruan, pag naglalaro o nakikipaglaro sa mga kaibigan?

Basahin ang Lucas 2:1-5. MGA BATA, Nakapaglakbay na ba kayo nang matagal? Paano kayo nagbiyahe – sa pamamagitan ng kotse, tren, bus, o eroplano? Ano ang mararamdaman mo kung ikaw ay sasakay sa isang asno sa malayong paglalakbay na iyon? Iyan mismo ang paglalakbay nina Maria at Jose sa mga araw bago ang kapanganakan ng sanggol na si Jesus. Saan nagpunta sina Maria at Jose? (Bethlehem) 

Habang nanalangin ka, pasalamatan ang Diyos sa pagdala nang ligtas kay Maria at Jose sa Bethlehem at pasalamatan Siya sa lahat ng oras na dinala ka Niya at ang iyong pamilya nang ligtas mula sa isang lugar patungo sa isa pa. Pasalamatan Siya para sa Kanyang regalo ng kapayapaan, pasalamatan Siya sa pagnanais na magkaroon ka ng kapayapaan, pasalamatan Siya sa pagbibigay sa iyo ng mapayapang araw at hilingin sa Kanya na bigyan ka ng kapayapaan habang natutulog ka. Hilingin sa Kanya na patuloy na ipakita sa iyo kung paano maging mapayapa sa iba.

Tungkol sa Gabay na ito

121 Advent

Ang kapanganakan ni Cristo, ang Kanyang adbiyento, ay tanda ng sukdulang plano ng Diyos para sa ating katubusan. Kay Cristo, makikita natin ang pinakabuong larawan ng pag-asa, kapayapaan, kagalakan at pag-ibig ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay ang katotohanan kung saan alam natin at lumalakad tayong kasama Siya araw-araw. Inaasahan namin na ang gabay na ito ay maghihikayat at makakatulong sa personal na oras na paggugol sa Salita at magbigay ng isang kasangakapan para sa mga pamilya na may mga anak na gawin iyon nang sama-sama.

More

Nais naming pasalamatan ang 121 Community Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://121cc.com/