Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

121 AdbiyentoHalimbawa

121 Advent

ARAW 4 NG 24

Ang Pinagmumulan ng Pag-asa

Ano ang hitsura ng umasa, sa makamundong kahulugan? Kapag natagpuan mo ang iyong sarili na umaasa sa isang partikular na kalalabasan, para sa pagbabago ng mga pangyayari o kanais-nais na resulta, anong mga emosyon ang naroroon? Natatakot ka ba? Di panatag? Nag-aalala? Ang makamundong pag-asa ay karaniwang puno ng pag-aalala. Kinakagat natin ang ating labi umaasa na ang ating koponan ay makuha ang huling free throw o gising tayo sa kalagitnaan ng gabi umaasa na makarinig mula sa nawalay na kaibigan. Nag-aalala tayo na ang mga bagay ay hindi hahantong sa gusto natin o maging sa paraan na ating pinlano. Ngunit hindi ito katulad ng pag-asa na mayroon tayo sa Diyos.

Madalas ang ating pag-asa ay natitinag dahil ito ay nakaugat sa isang gawa ng kalooban at samakatuwid ay kulang ng isang matatag na pundasyon. Sa mga halimbawa na naunang nabanggit, ang ating pag-asa ay nasa isang manlalaro o sa isang kaibigan. Hindi tayo makatitiyak na sila ay kikilos sa isang tiyak na paraan, o kung gagawin nila, na sila ay magtatagumpay. Ngunit ang pag-asa na nakabatay sa Biblia ay walang ganoong katiyakan. Ito ay may tiwala at ganap na katiyakan dahil ito ay nakaugat sa katapatan ng DIyos, iyan ang pinagmumulan nito. Ito ay kitang-kita sa pagbibigay sa atin ng Diyos kay Cristo. Umaasa tayo sa katuparan ng Kanyang mga pangako sa Banal na Kasulatan, at partikular sa pagbabalik ni Cristo, alam na ang Kanyang karakter ay tumutukoy sa hindi natitinag na katapatan. Siya ay hindi nagbabago, Siya ay para sa atin (Mga Taga-Roma 8:31), at Siya ay gumagawa ng mga bagay para sa ating ikabubuti (Mga Taga-Roma 8:28).

Saan nakaugat ang iyong pag-asa? Anong mga katangian ng Diyos ang masasaligan ng iyong pag-asa ngayon?

Mga Mag-anak na May Maliliit na Anak

Basahin ang Mga Panaghoy 3:21-24. MGA BATA, Ano ang makapagbibigay sa atin ng pag-asa? (ang pagkaalam na mahal na mahal tayo ng Panginoon at ang Kanyang pag-ibig ay hindi nagmamaliw, ang Panginoon ay magpakailanman at nagbibigay ng lahat ng kakailanganin natin) Kapag ang ating pag-asa ay nasa mga bagay na maaaring bumigo sa atin, katulad ng mga tao at mga bagay sa mundong ito, maaari tayong madismaya. Subalit, kung sa huli ay ilalagay natin ang ating pag-asa kay Jesus higit sa lahat, tayo ay may isang matatag na pundasyon. Saan nakatayo ang iyong pag-asa? Paano ipinakita ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa iyo? Paano Siya nagbigay ng lahat ng iyong mga pangangailangan? Paano Siyang naging tapat sa iyo? Tanungin ang iyong mga magulang nang parehong mga katanungan.

Basahin ang Jeremias 33:14-16. MGA BATA, Anong pangako ang sinasabi ng Diyos sa mga tao na dapat magkaroon ng pag-asa? (ang pagdating ni Cristo, kaligtasan sa pamamagitan ni Jesus) Ito ay isinulat ni Jeremias na isa sa mga propeta na ginamit ng Diyos upang magsabi ng pagdating ni Jesus bago pa siya ipanganak. Sinabi niya na ang pagadating ng Tagapagligtas ay mula sa lahi ni David at isang sanga ng katuwiran. Ang salitang sanga ay katulad ng isang salitang bansag na ginamit ng propeta upang ilarawan ang Tagapagligtas. Si Isaias at Zacarias ay tinawag din ang paparating na Mesias na isang sanga. Ano ang ilan sa mga katangian ng Diyos? Alin sa mga ito ang iyong pag-asa ngayon?

Tungkol sa Gabay na ito

121 Advent

Ang kapanganakan ni Cristo, ang Kanyang adbiyento, ay tanda ng sukdulang plano ng Diyos para sa ating katubusan. Kay Cristo, makikita natin ang pinakabuong larawan ng pag-asa, kapayapaan, kagalakan at pag-ibig ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay ang katotohanan kung saan alam natin at lumalakad tayong kasama Siya araw-araw. Inaasahan namin na ang gabay na ito ay maghihikayat at makakatulong sa personal na oras na paggugol sa Salita at magbigay ng isang kasangakapan para sa mga pamilya na may mga anak na gawin iyon nang sama-sama.

More

Nais naming pasalamatan ang 121 Community Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://121cc.com/