Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

121 AdbiyentoHalimbawa

121 Advent

ARAW 3 NG 24

Bakit Umaasa?

Hindi kailangang magtagal upang tumingin sa mundo, sa kasalukuyang kadiliman at sa kasamaan na nakapaligid sa atin, at mapagtanto na wala tayong dahilan upang umasa. Lahat tayo ay nakakaranas ng sakit at pagdurusa. Ang kapayapaan at kaligtasan ay mahirap makuha. Ang kawalan ng katarungan, kalungkutan, karamdaman, kahirapan at karahasan ay pawang buhay at sumusulong.

Ngunit Ang Salita ay naging tao at nanirahan sa piling natin (Juan 1:14). Nang si Jesus ay pumasok sa eksena, naging posible ang pag-asa. Ang pagdating ni Cristo ay naghahatid ng pag-asa.

Kapag nagtiwala tayo sa gawa ni Cristo sa Krus para sa ating kaligtasan, tayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya (Mga Taga-Efeso 2:8). Dahil ang pag-asa ay pananampalataya sa hinaharap, tayo, bilang mga mananampalataya, ay may pag-asa, taglay natin ito at ito ay nasa atin lang. Ito ay nasa ugat ng ating pagliligtas na kaalaman, pagkaunawa at paniniwala kay Cristo. At kung tayo ay naniniwala na pinasan ni Cristo ang bigat ng ating kasalanan sa krus at napagtagumpayan ang kamatayan sa Kanyang pagkabuhay na muli, sinasabi ni Pedro na tayo ay ipinanganak sa isang buhay na pag-asa, isang pag-asa sa tagumpay ni Jesus para sa atin, kahit na ano pa ang mga pagsubok at kapighatian ng mundong ito.

Palibhasa'y inaring ganap, tayo ay nagagalak sa pag-asa sa kaluwalhatian ng Diyos, maging sa gitna ng pagdurusa. Sa katunayan, bilang mga mananampalataya, ang pagdurusa ay nagbubunga ng pag-asa, dahil alam natin na sa kabila ng ating kasalukuyang mga problema, ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos para sa atin kay Cristo. Bilang Kanyang taga-sunod, ang buhay ay magiging mahirap, ngunit ang ating pag-asa ay hindi nakasalalay sa ating mga kalagayan at ang ating pananaw ay hindi limitado sa kung ano ang nakikita, ngunit ito ay nakabalot sa katotohanan ng Ebanghelyo sa kawalang-hanggan. Tayo ay may pag-asa at maaaring umaasa dahil ito ay ibinigay sa atin kay Cristo.

Mga Mag-anak na May Maliliit na Anak

MGA BATA, Pag pinagmamasdan ang mundo ngayon, maraming mga kirot, sakit at pagdurusa. Paano sa palagay mo makakatulong dito ang pagkakaroon ng pag-asa? Kapag ang ating pag-asa ay na kay Jesus paano natin malalampasan ang pagdurusa? Ano ang ilang sa mga paraan na mailalagay mo ang iyong pag-asa at pagtitiwala sa Kanya? Paano natin matutulungan ang iba na nagdadaan sa mahihirap na panahon?  (hikayatin sila na ilagay ang kanilang pag-sa kay Jesus)

Basahin ang Mga Taga-Roma 5:1-5. MGA BATA, Ano ba ang maipagmamalaki/maipagmamayabang natin? (ang ating pag-asa sa kaluwalhatian ng Diyos) Kay Jesus mayroon tayong daan sa biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Kanya at tayo ay tumitindig sa sa kapayapaan kasama ang Dyos. Ano ang ilang mga bagay na pinagdaanan mo o nakita na pinagdaanan ng iba na nagdulot ng pagdurusa? Ano ang ibinubunga ng pagdurusa? (pagtitiyaga) Ano ang ibinubunga ng pagtitiyaga? (katatagan) Ano ang ibinubunga ng katatagan? (pag-asa) Ano ang makukuha natin sa pagdaan sa mga panahon ng pagdurusa? (pagtitiyaga, katagagan, at pag-asa)

Basahin ang Lucas 1:18-25. MGA BATA, Pagkatapos marinig ang balita na siya ay magkakaroon ng isang anak kahit sa kanyang katandaan, paano tumugon si Zacarias sa mga anghel? (kinwestiyon niya ang balita) Ano ang nangyari kay Zacarias? (siya ay pinilit na maging tahimik hanggang sa ipinanganak ang sanggol) si Elizabet ay lubos na nagpapasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na magkaroon ng anak pagkatapos niyang maghintay nang matagal. Umasa ka na ba sa isang bagay nang matagal na panahon? Kung ganoon, ano? Ano ang naramdaman mo noon? Tanungin ang iyong mga magulang kung ano ang kanilang inaasahan at kung ano ang nararamdaman nila.

Tungkol sa Gabay na ito

121 Advent

Ang kapanganakan ni Cristo, ang Kanyang adbiyento, ay tanda ng sukdulang plano ng Diyos para sa ating katubusan. Kay Cristo, makikita natin ang pinakabuong larawan ng pag-asa, kapayapaan, kagalakan at pag-ibig ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay ang katotohanan kung saan alam natin at lumalakad tayong kasama Siya araw-araw. Inaasahan namin na ang gabay na ito ay maghihikayat at makakatulong sa personal na oras na paggugol sa Salita at magbigay ng isang kasangakapan para sa mga pamilya na may mga anak na gawin iyon nang sama-sama.

More

Nais naming pasalamatan ang 121 Community Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://121cc.com/