"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga DebosyonalHalimbawa

Pag-aanyaya sa mga Taong Pumunta sa Simbahan // Ikalawang Bahagi: Pakikipag-usap sa Iyong mga Kaibigan Tungkol kay Jesus
Katulad sa mga sinaunang iglesia, ito ang nararapat nating natural na reaksyon. Ang talagang sinasabi lamang nila ay, ‘Hindi namin kayo nakikilala, ngunit hindi namin mapigilang palaganapin ang aming pananampalataya– tunay itong kahanga-hanga ito!’Katulad ng nasabi na– gaano ba kalalim ang pagkamuhi mo sa isang tao na hindi mo kayang sabihin sa kanya ang tungkol kay Jesus kung talagang naniniwala ka sa Langit at Impyerno?
Maaaring mangatwiran tayong natatakot tayo sa kung anong iisipin o sasabihin nila tungkol sa atin ngunit ang katotohanan ay, ito ay pagiging makasarili lamang. Noong nakatagpo natin si Jesus, napapagtanto nating ang mundo ay hindi umiikot sa atin at ang pagiging makasarili ay parte ng sumira sa ating buhay sa simula pa lang. Alisin natin ang ating mga mata sa ating mga sarili at magkaroon tayo ng malalim na pagmamalasakit sa buhay ng mga taong malayo sa Diyos.
Mga Praktikal na Hakbang: Hilingin mong ilagay ng Diyos ang ganito uri ng espiritu sa kaibuturan ng iyong kaluluwa– ang espiritu ng 'Hindi ko kayang hindi sabihin.'
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang pang-40 araw na babasahing ito ay dinisenyo upang turuan at gabayan ang mga Cristiano kung paano sumunod kay Jesus hindi lamang kapag Linggo, ngunit sa 'Iba Pang Anim na Araw' ng linggo.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Ang Pagbangon ng Kaligtasan

Isang Biblikal na Pananaw ukol sa Panlipunang Pagbabago

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Ang Boteng Alabastro

Mahalaga ang Pamilya Muna

Ang Kaluwalhatian ng Hari

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Ang Kwento ng Naglayas na Anak
