"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga DebosyonalHalimbawa

Pansariling Panahon Kasama ang Diyos // Unang Bahagi: Pananalangin
Sa pagsisimula natin ng bahaging ito ng debosyonal, pag-uusapan natin kung paano ba ang manalangin sa Diyos. Isang magandang simula ay ang tingnan natin kung paano pinakita ni Jesus ang manalangin. Nagsimula Siya sa pamamagitan ng pagpapahayag na ang Pangalan ng Diyos ay banal - na tunay na pagkilala kung gaano Siyang kadakila. Sinundan Niya ito sa pagpapahayag na ang kalooban ng Diyos ay nakakahigit sa lahat. Pagkatapos ay kinikilala Niyang ang Diyos ang nagbibigay ng ating mga pangangailangan, maging sa pang-araw-araw, at pagkatapos ay hinihingi Niya ang kapatawaran habang kinikilala Niyang tayo rin ay dapat magbigay nito sa ibang tao!
Sa huli, humihingi Siya ng pag-iingat laban sa mga kaaway ng ating mga kaluluwa. Ang totoo, si Jesus ay nakikipag-usap sa Diyos tulad ng pakikipag-usap Niya sa isang kaibigan. Iyan ang paraan kung paano tayo dapat magsimulang manalangin - sa pakikipag-usap sa Diyos & pagpapasalamat.
Mga Praktikal na Hakbang: Ulitin nang makailang beses ang makapangyarihang panalangin na ito ngayong umaga at hilingin sa Diyos na tulungan tayong maunawaan kung paano ba ang manalangin at kung paanong mapaparangalan Siya sa ating pagdarasal.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang pang-40 araw na babasahing ito ay dinisenyo upang turuan at gabayan ang mga Cristiano kung paano sumunod kay Jesus hindi lamang kapag Linggo, ngunit sa 'Iba Pang Anim na Araw' ng linggo.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Ang Pagbangon ng Kaligtasan

Isang Biblikal na Pananaw ukol sa Panlipunang Pagbabago

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Ang Boteng Alabastro

Mahalaga ang Pamilya Muna

Ang Kaluwalhatian ng Hari

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Ang Mamahinga: Isang Kautusan ng Diyos
