Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ruth ChallengeHalimbawa

Ruth Challenge

ARAW 3 NG 4

Nagsisilbing kupido si Naomi sa kabanatang ito. Hinahangad niya ang pinakamabuti para sa kanyang manugang na babae at may pananampalataya siya kay Boaz na aalagaan niya ito, hindi lamang dahil sa kanyang kayamanan, bagkus dahil sa kanyang pagkatao.



ANG PANAHON NG PAGHAHANDA & MATALINONG PAGPAPAYO



Kaparis ni Ester, kinailangan ni Ruth na maghanda bago tagpuin ang taong nais niyang mapangasawa. Dito, nalalaman natin na dapat tayong maghanda bago pagsumikapan ang mga bagay na "nais" natin dahil sa ating paghahanda nalalaman natin kung karapat-dapat ba itong pagsumikapan. Kahit na anong bagay, mapasa ating maka-Diyos na kaugnayan o mataas na marka sa paaralan, lahat ng ito'y nangangailangan ng paghahanda at minsan pa ng isang mas nakatatanda tulad ni Naomi upang magbigay payo.



MINSAN ang sabi ko, dahil kaduda-duda ang payo ni Naomi. Sadyang inutusan niya si Ruth na gawin ang anumang ipagawa sa kanya ni Boaz... na maaaring maging A-N-U-MAN! Purihin ang Diyos sapagkat hindi naging ganoon, ngunit nagpapakita ito kung paano tayo dapat na mag-ingat sa mga payo na ating natatanggap. Dapat nating alalahaning suriin ang payo na ating tinatanggap mula sa iba sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng kanilang relasyon sa Diyos. Malayo sa nakapagbibigay-lakas ang espirituwal na kalagayan ni Naomi sa kabanatang ito. Mula sa kanyang pag-amin, naghihinanakit siya at inakusahan niya ang Diyos na malupit sa kanya. ISIPIN MO: Batay ba sa Banal na Kasulatan ang payong ibinigay sa akin o nagkakamaling opinyon ba ito ng tagapayo?



MAKADIYOS NA PAG-UUGALI SA MGA MAKOMPROMISONG SITWASYON

Sa pagbabasa ng kabanatang ito marahil iniisip natin, 'Huwag sana nilang gawin ang hindi nila dapat gawin', ngunit nanatiling maka-Diyos sina Boaz at Ruth sa isang sitwasyong maaaring naging iba. Ipinakita nila ang lakas ng kanilang pagkatao! Nakapagbibigay-katiyakan ito sa atin na maaaring makita ang maka-Diyos na pagkatao sa mga hindi maka-Diyos na sitwasyon. Nakatira tayo sa isang panahon kung saan nasa lahat ng dako ang kasamaan, ngunit kailangan nating maging liwanag, liwanag na siyang magniningning hanggang mawalan ng puwang ang kadiliman.



SI BOAZ ANG PAMANTAYAN NINYONG MGA KALALAKIHAN

Kinakailangang ng isang lalaking may takot sa Diyos upang maging matibay sa katulad na sitwasyon ni Boaz. Mga kalalakihan, ito ang pamantayan para sa inyo. Dapat kayong maging mga mabubuting pinuno na siyang magpoprotekta sa kadalisayan at reputasyon ng mga kababaihang nakakasama ninyo. Ito ang tunay na pagkalalaki. Darating din ang inyong Ruth.



Gayundin, mga kababaihan, mangyaring huwag ikompromiso ang inyong mga sarili o ang mga pamantayan ng Diyos para makuha ang pansin ng isang lalaki. Hayaan ninyong magmula sa inyong panloob na kagandaan, pagkatao, at kabutihan, ang pansing nakukuha ninyo mula sa kahit na sinong lalaki. Darating din ang inyong Boaz.



Ano ang iyong mga kaisipan? #RuthChallenge

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Ruth Challenge

Isa itong 4 na araw na hamon upang basahin ang 4 na kabanata sa aklat ni Ruth - isang dakilang kwento ng pag-ibig sa Biblia. Hahamunin ni Ruth ang iyong kaalaman tungkol sa mga relasyon at tutulungan ka niyang makita ang...

More

We would like to thank Kanayo Dike-Oduah for providing this plan. For more information, please visit: www.doctorkanayo.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya