Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ruth ChallengeHalimbawa

Ruth Challenge

ARAW 2 NG 4

MABUTI ANG MAGLINGKOD



Isang tunay na sagisag si Ruth ng birtuosong babae na inilarawan sa Mga Kawikaan 31.



Wala siyang tigil sa paggawa, hindi na halos nagpapahinga (Mga Kawikaan 31:13).



Inihahanda niya ang pagkain ng buo niyang sambahayan (Mga Kawikaan 31:15).



Hindi siya umuupo at naghihintay lamang na paglingkuran, nagagalak siyang nagnanais na maglingkod at gawin ang kanyang maiaambag. Ganoon rin ba ang ginagawa mo? Mag-isip ng mga paraan kung paano ka makapaglilingkod sa lahat ng iyong ginagawa.; maski ito ay sa paaralan, sa kolehiyo, sa unibersidad, simbahan, youth group, o kahit saan pa. Dapat magmula sa kababaang-loob ang iyong paglilingkod, hindi para umani ng papuri mula sa kaninuman bagkus mula sa dalisay na hangaring maglingkod bilang Anak ng Diyos!



TULAD NI RUTH, MANATILI SA IYONG BUKID AT MAGING TAPAT KUNG SAAN KA ITINANIM



Manataili ka kung saan ka inilagay ng Diyos. Huwag kang lumihis mula sa bukid kung saan ka ngayon inilagay ng Diyos para lamang pumunta sa ibang bukid kung saan ka mawawala sa Kanyang kalooban (Ruth 2:8-9). Mayroong mga panganib sa paglipat ng bukid nang walang pahintulot, tulad ng binigyang-diin ni Boaz kay Ruth sa kabanatang ito. Sa katulad na paraan, nais ng Diyos na manatili ka sa Kanyang inatas-ng-Diyos na bukid upang ilayo ka sa kapahamakan. Naranasan mo na bang mapunta sa isang hindi maka-Diyos na lugar at makaramdam ng pagkabalisa? Iyon ang Diyos na nagsasabing...umalis ka na diyan at tumakbo ka sa Aking Presensya.



Ang ilan sa atin ay nalilito tungkol sa bukid na pinaglagakan sa atin ng Diyos. Maniwala kang ang iyong presensya sa simbahan, paaralan, sa iyong pamilya at iyong mga grupo ng kaibigan, lahat ng mga 'bukid' na ito ay mahalaga sa Diyos. Kaya, maglingkod ka nang may kahusayan sa lahat ng bahagi ng iyong buhay at iba pa – na parang sa Panginoon kayo naglilingkod. (Mga Taga-Efeso 6:7)



MGA KABABAIHAN: MAGHINTAY KAYO SA INYONG BOAZ



Ang isang tipong Boaz ay isang lalaking naririnig ang iyong mga mabubuting gawa at ganap na pinapaboran ka dahil nakikita niya na ikaw ay isang babae ng kabutihan, isang masigasig na manggagawa, maganda, at napakahalaga. Nakarinig ng magagandang bagay si Boaz tungkol kay Ruth; hindi siya isang 'pakawalang' babae o 'masamang p-na-salita'. Dinadala niya nang maayos ang kanyang sarili at ang kanyang mga kilos ay repleksyon ng kanyang mabuting kalikasan. Ang isang lalaking tunay na nakakakita ng iyong buong KAHALAGAHAN ay isang lalaking karapat-dapat sa iyong paglilingkod at pagpapasakop.



Mag-isip kung paano mo mahusay na mapaglilingkuran ang Diyos sa bukid na pinaglagyan Niya sa iyo. Ibahagi ang iyong mga kaisipan sa twitter #RuthChallenge
Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Ruth Challenge

Isa itong 4 na araw na hamon upang basahin ang 4 na kabanata sa aklat ni Ruth - isang dakilang kwento ng pag-ibig sa Biblia. Hahamunin ni Ruth ang iyong kaalaman tungkol sa mga relasyon at tutulungan ka niyang makita ang...

More

We would like to thank Kanayo Dike-Oduah for providing this plan. For more information, please visit: www.doctorkanayo.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya