Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ruth ChallengeHalimbawa

Ruth Challenge

ARAW 1 NG 4

Orihinal na nakatira sa Bethlehem sina Elimelec at Naomi ngunit lumisan sila nang magkaroon ng taggutom. Nanirahan sila sa Moab kasama ang kanilang mga anak na nakapag-asawa ng mga Moabita: sina Orpa at Ruth. Sa kasamaang palad, namatay sina Elimelec at ang kanyang mga anak, at naulila ang tatlong balo. Nagpasiya si Naomi na bumalik sa Bethlehem matapos manirahan nang 10 taon sa Moab. Sinabi niya sa kanyang dalawang manugang na umuwi na sa bahay ng kanilang mga ama at magasawang muli. Umalis si Orpa ngunit nakiusap si Ruth upang magpaiwan.



MAGTIWALA SA DIYOS O TUMAKBO PALAYO?

Nasa isang mahirap na sitwasyon sina Elimelec at Naomi, na nahaharap sa dalawang pagpipilian: ang pagkatiwalaan ang Diyos o ang tumakbo palayo... at pinili nila ang huli. Isang desisyon na naging kapalit ng buhay niya at ng kanyang mga anak. Nabasa natin na umalis sila ng Bethlehem (na ang ibig sabihin ay 'bahay ng tinapay') sa Juda ('papuri') upang magtungo sa Moab (kahulugan: 'ano ama?'). Binibigyan tayo ng kahulugan ng Moab ng kaalaman sa estado ng pag-iisip ng Elimelec. Pinagdudahan niya ang pag-ibig, pagkakaloob, at pagiging Ama ng Diyos at piniling umalis kung saan siya inilagay ng Diyos.



ANG HALIMBAWA NG TUNAY NA PAGBABALIK-LOOB

Sinabi ni Orpa kay Naomi na mananatili siyang kasama niya, ngunit nagpasiya siyang hindi ito para sa kanya at umalis. Nakalulungkot isipin, ito ang nangyayari sa maraming 'Cristiano' ngayon. Lumalapit sila sa Panginoon matapos ang makailang 'altar call' ngunit nasaan sila pagkatapos ng ilang araw? O mananatili sila nang ilang beses, mabilis na tutugon sa mga panawagan, ngunit kapag nakaharap ng pag-uusig o kahirapan ay para bagang mga tinik na dahan-dahang nangaangkin ng paglago, iiwanan nila ang pananampalataya para sa isang mas 'kumportableng' buhay.



Subalit si Ruth, nanatili siya. Nakikita natin kay Ruth ang isang kahanga-hangang halimbawa ng tunay na pagbabalik-loob. Kahit ang iba sa kanyang paligid ay umalis na, nanatili siya sa kanyang puwesto. Hindi natitinag, hindi natutupok ng mga tinik ng buhay, sinasabi niya sa mga paborito kong bersikulo sa kabanatang ito (16-17), ''... Saanman kayo pumunta, doon ako pupunta. Kung saan kayo tumira, doon din ako titira. Ang inyong bayan ang magiging aking bayan. Ang inyong Diyos ang magiging aking Diyos. Kung saan kayo mamatay, doon ako mamamatay, at doon din ako malilibing. Parusahan sana ako ni Yahweh ng pinakamabigat na parusa kung papayagan kong magkalayo tayo maliban na lamang kung paghiwalayin tayo ng kamatayan!” Sa kabila ng kapalit ng kanyang pananatili handa si Ruth na isuko ang lahat ng mga ito para lamang sundan si Naomi, at ang kanyang Diyos. Isang hentil na nagiging anak ng Diyos sa pamamagitan ng PAGPILI - nagawa mo na ba ang sa iyo? Pagkakatiwalaan mo ba ang Diyos sa mga mahihirap na pagkakataon?



Mayroon ka bang kaisipan? Mangyaring ibahagi ang mga ito sa twitter gamit ang hashtag na #RuthChallenge

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Ruth Challenge

Isa itong 4 na araw na hamon upang basahin ang 4 na kabanata sa aklat ni Ruth - isang dakilang kwento ng pag-ibig sa Biblia. Hahamunin ni Ruth ang iyong kaalaman tungkol sa mga relasyon at tutulungan ka niyang makita ang...

More

We would like to thank Kanayo Dike-Oduah for providing this plan. For more information, please visit: www.doctorkanayo.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya