Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pag-asaHalimbawa

Hope

ARAW 3 NG 3

  • Kung nagsusumikap ka nang husto para sa isang bagay, mas magtatagumpay ka, 'di ba? Ngunit kung magpapabaya ka, kakaunti ang iyong magagawa. Isang susi ang kasipagan. Ibigay mo ang lahat ng iyong makakaya, sa kahit na ano pa man ang iyong ginagawa. Ganoon rin kung nais mong magkaroon ng pag-asa. Matapat mong piliin ang pag-asa, hindi ang takot. Gagawin ka nitong puno ng katiyakan at magigi ka ring masarap na kasama!
    Mga Hebreo 6:11
  • Napansin mo na ba na kung hindi ka magiging palakaibigan, hindi rin palakaibigan ang iba? Ngunit, nakakatuwang isipin, kapag magiliw ka, para bang ang dami-dami mong kaibigan. Ganoon rin sa Diyos. Kung ipinagsasawalang-bahala mo ang Diyos, para siyang napakalayo. At kapag naman pinagsikapan mo siyang matamo sa pamamagitan ng panalagin at ng Kanyang Salita, para ba siyang napakalapit. Ganoon iyon. Ang pag-asa ay nasa Diyos lamang. Lumapit ka sa kanya!
    Santiago 4:8
  • Ang mga Cristiano na puno ng pag-asa ay nananabik sa Panginoon. Gustong-gusto nila ang Salita ng Diyos kaya nila ito binabasa at sinasaulo. Palagi silang nagdarasal. Ganito, ang Salita ng Diyos ang SIYANG nagbibigay ng pag-asa sa kanila. Iyon ang Kanyang Kuwento. Ang kasaysayan na punong-puno ng natupad na propesiya na nagpapakita sa atin na ang Diyos ang Siyang may kontrol at may plano. Kailangan mo lang magsumikap sa iyong ginagawa ngayon! Lilitaw ang pag-asa!
    Mga Taga-Roma 15:4

Ang mga sumusunod na sipi ng Kasulatan ay nasa aming mobile App, Mac o Windows na programa sa MemLok Marami pang MemLok na Gabay 


Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Hope

PAG-ASA Tingnan natin ang ilang Mga Bersikulo sa Biblia tungkol sa pag-asa. Nais ng Diyos na ikaw ay maging mapayapa, walang takot, puno ng pananampalataya at pag-ibig, tama? Hindi Niya gugustuhin na ikaw ay mabalisa o m...

More

Nais naming pasalamatan ang MemLok, isang Bible Memory System, para sa isktraktura ng babasahing ito. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa MemLok, bisitahin ang http://www.MemLok.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya