Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Fearless: A Six-Week Journey Halimbawa

Fearless: A Six-Week Journey

ARAW 61 NG 88

IKA-LIMANG LINGGO: PAGKATAKOT SA DIYOS

ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahin ang 2 Mga Cronica 19-20.

Ano ang matututunan mo sa salaysay na ito? Saan ba tayo dapat naghahanap ng lakas? Kaninong pakikidigma ba ang ating sinasalihan? Basahin ang parehong kabanata at pansinin ang mga mahahalagang parirala.

LUMAKAD SA KATOTOHANAN
Ano nga ba ang dapat gawin ni Jehoshafat? Ano ang iyong gagawin kapag may kinakaharap kang malaking problema--kapag tila lahat ay malapit nang gumuho? Basahin ang Mga Awit 91. Magdasal at purihin ang Diyos ayon sa awit na ito.

ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Tahimik na bigkasin ang mga bersikulo para sa araw na ito sa iyong sarili. Itago mo ito sa iyong puso, pagbulay-bulayan mo ito, at gawin mo itong panalangin sa buong araw.

Mga Taga Galacia 2:20
Hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At habang ako'y nabubuhay pa sa katawang-lupa, mamumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos na umibig sa akin at naghandog ng Kanyang buhay para sa akin.
Araw 60Araw 62

Tungkol sa Gabay na ito

Fearless: A Six-Week Journey

Learn how to move beyond the fear that overwhelms you and holds you back in your faith and enjoy a whole new life of freedom, fearlessness, and effectiveness in your life and witness! Ideal for busy moms, single women, and college students.

More

We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: www.thistlebendcottage.org