Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa

IKATLONG LINGGO: PANGINOON, AKO AY MAHINA
ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahin ang Mga Taga-Colosas 3.
Bulay-bulayin ito batay sa lahat ng napag-aralan mo ngayong linggong ito. Patuloy mong hilingin sa Diyos na ilantad ang iyong kasalanan at pahintulutan kang makita ang kasalanan mo ayon sa Kanyang pagtingin. Pakinggan ang panghihimok na ibinigay ni Pablo sa Mga Taga-Colosas 3:5-10 at sundin mo ito. Mayroon ba siyang hindi nabanggit?
MAGNILAY
Ang malaman kung ano ang tama at hindi ito gawin ay kasalanan. Kung may bagay kang nalalaman na dapat mong ginagawa at lagi mo itong ipinagpapaliban o kung mayroon kang nalalamang hindi mo dapat ginagawa at ginagawa mo pa rin, hingin mo sa Diyos ang Kanyang tulong upang makapagbago. Hingin mo sa Diyos na tulungan kang magdalamhati sa iyong kasalanan, at magutom at mauhaw para sa katuwiran. Huminto ka at ipagtapat ang iyong kasalanan, at talikuran mo ito. Bibigyan ka Niya ng Kanyang kalakasan. Maaaring maging masakit na proseso ito, maaaring ito ay hindi agad-agad mangyari, ngunit kailangan ito sa pag-abante mo nang walang takot. Kapag tinatalikuran natin ang ating mga pamamaraan at bumabaling sa Panginoon, nakikita natin ang Panginoon at ang Kanyang kapangyarihan, nauunawaan ang ating kahinaan at nababatid ang ating kasalanan! Makikita natin ang ating Tagapagligtas at ang Kanyang kapangyarihan, at nararamdaman nating tayo ay ligtas. Tayo ay tinutulungan!
Bumaling sa Panginoon at hilingin ang Kanyang pagpapala sa iyong matinding pangangailangan! Hingin sa Kanya ang pagpapalang makapamuhay sa pagpapalang ito—ang kahanga-hangang pagpapala ng Mabuting Balita! Habang tinutulungan Ka Niyang sumulong sa pagpapalang ito, makikita mo ang kapangyarihan ng Mabuting Balita, at ang kapangyarihan ng takot ay mawawala!
Magtapos sa pananalangin.
ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Pagnilayan nang may pananalangin at subukang bigkasin ang Mateo 5:3-5
Mateo 5:3-5
Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit. Mapalad ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila ng Diyos. Mapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat mamanahin nila ang daigdig.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang-tama para sa mga abalang ina, dalaga, at estudyante sa kolehiyo. Isang debosyonal mula sa Thistleband Ministries.
More
We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: www.thistlebendcottage.org
Mga Kaugnay na Gabay

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga Debosyonal

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Ang Pagbangon ng Kaligtasan

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang Pananampalataya

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Pakikinig sa Diyos

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos