Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat PaghamonHalimbawa

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

ARAW 14 NG 30

Binigyang-kahulugan ng isang diksyunaryo ng Biblia ang salitang kapaguran bilang "pagkahapo; maging mahina; masira o maging pata; mapagal, magkasakit, sobrang pagkapagod, manlupaypay at mawalan ng pagtitiyaga.



Marahil ay ikaw ang inilarawan ng diksyunaryo ng Biblia! Sa paanuman, iyan ang "ikaw" na nais ng kaaway na maging ikaw. Si Satanas ay madaya, mapanlinlang at malihim at papagurin ka niya sa anumang paraan na maaari niyang gawin. Ang daan sa kapaguran ay maikli lamang at makakarating ka sa pagkahapo nang higit na mas maaga sa kaya mong paniwalaan.



Ang diablo, na siyang kaaway mo, ay gustong mapagod ka at masagad sa kapaguran sa buong buhay mo. Habang pinupuno mo ang buhay mo ng kung anu-anong kagamitan, bagay at kaabalahan, masaya ka niyang tinatawanan sapagkat alam niyang nanalo siya sa labanan.



Pinapagod ni Satanas ang mga santo ng Kataas-taasang Diyos gamit ang kaabalahan at paniniil ng pagmamadali. Alam ni Satanas na matatalo ka sa bawat digmaang haharapin mo kung mapapagod ka niya. Anong mawawala sa iyo? Hindi ang iyong walang hanggang kaligtasan, siyempre, ngunit mawawala ang pagtitimpi mo sa galit at ang iyong pagtitiyaga. Mawawala rin ang iyong pananaw at ang kapayapaan ng iyong isipan. Maaari ring mawala ang iyong pagkamalikhain at ang pang-araw-araw na disiplina mo.



Ang balak ng diablo ay gawin kang abala at naguguluhan sa mga pangunahing suliranin kaya't namumuhay ka sa isang nakakapagod at napakabigat na buhay sa halip na isang buhay ng kasaganaan. Hindi ka tinutukso ng diablo ng lantarang kasamaan kundi ng mga bagay na akala mo ay maganda. Gagamit si Satanas ng mga bagay na mukhang maganda upang ilayo ka sa ibinibigay ng Diyos na pinakamaganda para sa buhay mo. Anong mabuting bagay ang nakakagambala sa iyo upang makuha mo ang pinakamainam mula sa Diyos? Ang mabubuting bagay ay maaaring makapagod sa iyo, ngunit ang pinakamabuting manggagaling sa Diyos ay magbibigay sa iyo ng kalakasan at magdadala ng kapayapaan sa iyong buhay.



Madalas kapag ako ay natatabunan ng kung anu-anong bagay sa mundo, ipinapahayag ko sa diablo at sa kanyang mga kampon, "Hindi ninyo ako mapapagod - ako ang papagod sa inyo sa pamamagitan ng pagsamba at ng Salita ng Diyos! Pagkatapos mong ipahayag iyan, simulan mong suriing muli ang mga ginagawa mong pagpili upang itigil ang paulit-ulit na kapaguran sa iyong buhay. Gawin mong layunin para sa araw na ito na hindi ka na maglalaan ng panahon sa mga apurahang pangangailangan, kundi ilaan mo ang iyong sarili sa walang hanggan at mahahalagang pagsasanay. Magtiwala ka sa akin, kailangan mo lang pumili ng ilang mahahalagang pagpili upang palitan ang iyong kapaguran ng ganap na kapayapaan ng Diyos.
Araw 13Araw 15

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha ma...

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya