Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagsisimula ng Relasyon kay JesusHalimbawa

Beginning A Relationship With Jesus

ARAW 7 NG 7

"Ano na Ngayon?"Ang pagiging Kristiyano ay tungkol sa "pagiging na kay" Jesus. Sa madaling salita, nagsisimula ka ng buhay na sumusunod sa Kaniya at nananatili sa Kaniya. Ano ang ibig sabihin nito? Ang ibig sabihin nito ay ninanais mong lumago sa iyong relasyon sa Kaniya sa pamamagitan ng pagdadala mo ng buong-buo ang iyong puso, kaluluwa, at kalakasan sa ugnayang ito (Markus 12:30; Lucas 10:27)Narito ang limang pamamaraan upang tayo ay manatiling "nasa pakikipag-ugnayan" kay Jesus Christ. 1. May ugnayan sa ibang Kristiyano. Ang Simbahan ay ang mga tao na pumasok sa ugnayan kay Hesus, at samakatuwid ay napatawad na ni Hesus at nagnanais na mamuhay para sa Kaniya. Ang pagiging kasapi sa isang Simbahan ay nagpapaiigting ng paglago ng ugnayan kay Hesus. Sa Simbahan, kasama ng iba pang mananampalataya, kung saan tayo natututo, lumalago, nagtatanong, naglilingkod, naghahanap at nagpupuri sa Diyos ng sama-sama.2. Sa pamamatnubay ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya. Habang ikaw ay lumalago sa iyong ugnayan kay Jesus Christ, doon magsisimula na lalo mong matutunan at maunawaan ang Bibliya. Ang Bibliya ay Salita ng Diyos, at ito ang isa sa pinakamahalagang pamamaraan ng Kaniyang paghahayag ng kanyang sarili at ang Kaniyang ninanais at disenyo para sa ating buhay. Habang napag-aaralan mo ang Bibliya, ay lalo mong makikilala ang Diyos mismo. 3. Sa pakikipag-usap sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Ang layunin ng panalangin ay pareho ng layunin ng iba pang nakatuong pag-uusap: ang lalong maging malapit sa isa't isa sa isang makabuluhang ugnayan. Nangangahulugan ito na ang panalangin ay maaaring sumaklaw sa malawak na bilang ng mga paksa. Ang panalangin ay maaaring maging daan ng bahaginan ng mga saloobin, pakikinig, pagtatanong, paghingi ng tulong, pagpapahayag para ikaw ay maunawaan, pag-amin ng kasalanan at paghingi ng tawad, pasasalamat, o simpleng pagiging magkasama.4. Sa pagkilos, sa pamamagitan ng paglilingkod. Ang pagkilos sa pamamagitan ng paglilingkod, pagmamalasakit, pagtungo sa mga tao ay pagpapahayag ng pagmamahal ng Diyos sa mga tao, at isa rin itong mahalagang paraan upang ikaw ay lumago sa iyong sariling pakikipag-ugnayan kay Jesus. Bakit? Dahil ito ang ginawa ni Jesus. Sinabi ni Jesus, "Dahil kahit ang Anak ng Tao ay hindi naparito upang paglingkuran, bagkus ay para maglingkod" (Marcos 10:45).5. Sa pagpapahayag ng pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagsamba. Ang pagsamba ay isang kusang-loob na pagpapahayag ng pagpapahalaga at taos-pusong pasasalamat at paghanga sa Diyos. Ang pagsamba ay maaaring gawin ng mag-isa or sa entablado kasama ang libo-libo pang iba. Maaari itong gawin sa gusali ng simbahan o sa parang sa kabundukan. Ang pagsamba ay ang iyong tunay at tapat na pagpapahayag patungo sa Diyos.Kung nagustuhan mo ang plan na ito at nais mong magkaroon ng pagkakataong mapanalunan ang librong pinagmulan nito, magtungo sa http://www.dccpromo.com/start_here/
Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Beginning A Relationship With Jesus

Nagsisimula ka pa lang ba sa isang bagong pananampalataya kay Jesu-Cristo? Nais mo bang magkaroon ng dagdag na kaalaman tungkol sa Kristiyanismo ngunit hindi ka sigurado kung ano ang itatanong—o kung paano— magtanong? Ku...

More

Nais naming pasalamatan sina David Dwight, Nicole Unice, at David C. Cook sa pagbibigay nila ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa: http://www.dccpromo.com/start_here

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya