Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagsisimula ng Relasyon kay JesusHalimbawa

Beginning A Relationship With Jesus

ARAW 5 NG 7

"Bagong Pagkakakilanlan" Ang karapatang maging anak ng Diyos ay nagiging posible kay Jesus at ang kamangha-manghang balita ay dahil kay Jesus, sinasabi ngayon ng Diyos tungkol sa atin ang parehong bagay na sinabi Niya tungkol kay Jesus. Handa ka na ba para dito? Narito: "Ikaw ang aking anak, na lubos kong minamahal; lubos kitang kinalulugdan" (Marcos 1:11).Dahil kay Hesus, sinasabi ng Diyos sa iyo ang tulad ng sinabi Nya tungkol kay Hesus. Sa pahayag na ito, binibigyan tayo ng Diyos ng kamangha-manghang daloy ng paninindigan sa mga pagkukulang sa pagkakakilanlan na ating nararamdaman -- ang nangangain at malalim na paghahangad ng pagiging kabilang, pagmamahal at pagsang-ayon. Tandaan ang tatlong malinaw na elemento sa pahayag ng pangakong ito: 1. Ikaw ang Aking anak... kapag sinabi ng Diyos na "Ikaw ay aking anak," kinikilala Nya na tayo ay kabilang sa Kanya. Sinasabi Niya na nais Niyang magkaroon ng kaugnayan sa atin, na tayo ay magkakasama. Ang unang punto ng bagong pagkakilanlan na ito ay tayo ay mga taong ninanais at kinalulugdan ng Diyos na maging kaugnay. Sinasabi Niyang, "Oo, anak ko siya." Hindi na Niya ilalayo ang Kanyang sarili sa atin kapag tayo ay naging mga anak na Niya. Nakakataba ng puso na Siya ay patuloy pa ring napakabuti, kahit na minsan ay hindi tama ang ating mga ikinikilos. 2. na Aking minamahal... Minsan sa ating sariling pamilya, may mga pagkakataon na hindi natin parating gusto, o maging mahal, ang bawat isa. Kapag mayroong miyembro ng pamilya na hindi mo gusto, maaari mong maramdaman na, Oo, kailangan kong sabihin na kapatid ko sya, pero hindi ko sya gusto. Ngunit hindi ganito ang Diyos. Hindi lamang sinasabi ng Diyos na, "Oo, anak ko siya," kundi higit pa ay ipinapahayag Niya na, "Mahal ko ang anak ko na ito." Nasa kanya ang pagtingin ko. Ang puso ko ay nasa kanya at ito ay para sa kanya. 3. Ikaw ay aking kinalulugdan.Itinatampok sa pahayag ng pangako ng Diyos, " Ikaw ay lubos kong kinalulugdan." Ang Diyos na siyang naglagay ng mga bituin sa kanilang mga kinalalagyan ay nagsasabing ipinagmamalaki ka Niya. Hindi sa ibang tao -- kundi sayo mismo. Habang tayo ay lumalago sa pag-unawa ng lalim ng pagmamahal ng Diyos sa atin, ang mga pahayag na ito ay nagsisimulang dahan-dahang punan ang mga puwang sa pagkakakilanlan sa ating kaluluwa. Lahat ng mga bagay na ginagawa natin upang makahanap ng papuri, mga pagsisikap para maging importante, maramdaman na pinahahalagahan, para kahangaan, para tingalain -- ay mayroon nang kasagutan. At hindi mula sa mga tao, hindi mula sa mga materyal na bagay na hindi kayang punan ang ating mga puso, hindi mula sa titulo o katungkulan... kundi mula sa Diyos.
Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Beginning A Relationship With Jesus

Nagsisimula ka pa lang ba sa isang bagong pananampalataya kay Jesu-Cristo? Nais mo bang magkaroon ng dagdag na kaalaman tungkol sa Kristiyanismo ngunit hindi ka sigurado kung ano ang itatanong—o kung paano— magtanong? Ku...

More

Nais naming pasalamatan sina David Dwight, Nicole Unice, at David C. Cook sa pagbibigay nila ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa: http://www.dccpromo.com/start_here

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya