Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagsisimula ng Relasyon kay JesusHalimbawa

Beginning A Relationship With Jesus

ARAW 3 NG 7

"Ang Totoong Kapitan" Isang paglalarawan kay Jesus ay isang tagapagligtas sa isang rescue mission. Nang sabibin ni Jesus ang, "Ako ang daan, ang katotohanan at ang buhay," hindi Niya sinabi ang, "Ako ay isang daan at isang katotohanan at isang buhay." Ang tanong natin sa Kanya ay maihahantulad sa mga tanong natin sa kapitan ng eroplano o barkong sinasakyan dahil nais talaga nating malaman, "Ikaw ba talaga ang kapitan (ang Anak ng Diyos)?" Sa pagsulong ng buhay, marami sa atin ang unti-unting nawawalan ng interes sa tanong na ito. Karamihan ay nagiging komportable na basta makakuha ng isang upuang may sapat na leg room sa eroplano. Karamihan sa atin ay hindi nakatuon sa tiyak na kamatayan nang may sidhi tulad ng kung tayo ay nakasakay sa isang barkong papalubog. Ngunit ang pagkakaroon ng kompiyansa sa kapitan ang pinakamatimbang na tanong sa parehong paghahalintulad. Sa barko, ang pagtitiwala (o hindi pagtitiwla) sa kapitan ang kinasasalalayan ng lahat. Ganoon din kay Jesus. Sa isang rescue mission, hindi natin sasabihing, “Pupunta ako kung saan ko gusto.” Oo, kung gusto mo maaari naman, ngunit kung Siya nga talaga ang kapitan, ang siyang nakakaalam ng lahat ng pasikot-sikot ng buhay ng tao, tunay ngang alam Niya ang tamang daan. O maari din sa pagsisimula mo ng pananaliksik sa Biblia kung ano ang sinasabi nito patungkol kay Jesus, naitatanong mo sa sarili ang, "Naniniwala ba ako na alam Niya ang daan?" Kung binabasa mo ang planong ito, maaari o hindi na dumating ka na sa puntong nasagot mo na ng oo ang tanong na ito. Maaari ding nasabi mo ang, “Oo, naniniwala ako. Nguni't may mga tanong pa ako.” Kung ikaw iyan, narito kaming kasama mo at para sa iyo. Ituloy mo lang ang pagtatanong. Ang mga makabuluhang tanong ay daan sa ating paglago. Ang mga pag-aalinlangan at agam-agam ay normal. Nguni't ipagpalagay natin na sang-ayon ka na alam ni Jesus ang daan. Kung totoo nga iyon, ang unang tanong mo marahil ay, “Ano ang kailangan kong gawin para mapunta ako sa daan na iyon?” At dito tayo sinosorpresa ni Jesus. Hindi Niya sinasabing, “Sundan mo ito.” Sinasabi Niya, “Sundan mo Ako.” Hindi itinuro ng kapitan ng barkong ang isang mapa; itinuro niya tayo mismo sa sarili niya. Itinuturo rin tayo ni Jesus sa sarili Niya, at iniimbitahan Niya tayo na ilagak ang sarili sa Kanya.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Beginning A Relationship With Jesus

Nagsisimula ka pa lang ba sa isang bagong pananampalataya kay Jesu-Cristo? Nais mo bang magkaroon ng dagdag na kaalaman tungkol sa Kristiyanismo ngunit hindi ka sigurado kung ano ang itatanong—o kung paano— magtanong? Ku...

More

Nais naming pasalamatan sina David Dwight, Nicole Unice, at David C. Cook sa pagbibigay nila ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa: http://www.dccpromo.com/start_here

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya