Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagsisimula ng Relasyon kay JesusHalimbawa

Beginning A Relationship With Jesus

ARAW 1 NG 7

"Mga Panuntunan v. Relasyon" Kung magsasagawa ka ng madaliang pagsasaliksik sa kahulugan ng Kristiyanismo, malamang ay mahahanap mo ang tungkol sa “pagsunod sa mga turo ni Jesus.” At totoo—ang Kristiyanismo ay ang pagsunod sa mga turo ni Jesus. Ang problema ay marami ang “sumusunod kay Jesus” sa pamamagitan ng “pagsunod sa mga panuntunan” — at hindi iyon ang punto. Malinaw sa Biblia na ang pagkilala kay Jesus ay ang pagkakaroon ng relasyon kay Jesus, hindi mga panuntunan. Habang sinasaliksik mo kung ano ang nais ilahad ng Diyos tungkol sa Kanyang sarili sa pamamagitan ng Biblia, makikita mo na ang pagkakaroon ng isang mapagmahal at tapat na relasyon sa Kanya ang pinakapangunahing bagay. Kaya kung sinasabi mong ang pinakapangunahing ideya ng Kristiyanismo ay ang pagsunod sa mga punto ng katuruan ay para mo na ring sinabing ang pangunahing ideya ng kasal ay ang paghahati sa mga gastusin sa bahay. Hindi ganyan ang inaasahan natin mula sa isang dakilang kuwento ng pag-ibig! Ang ganitong pagtanaw sa mga panuntunan laban sa relasyon ay isang malawak na dibisyon na nagbubukod sa Kristiyanismo sa ibang mga relihiyon. Kung saan ang higit sa maraming relihiyon ang nagtuturo na ang daan upang “maging mabuti” ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay at mahihigpit na pananampalataya, ang Kristiyanismo ay nagsisimula sa ibang lugar. Simula pa noon, ang mga tagasunod ni Jesus ay hindi nakilala bilang mga tagasunod sa mga panuntunan o sa “pagiging mabuti.” Ang bagay na nanatili—ang bagay na mahalagang banggitin—ay ang simpleng katotohanang sila ay “nakasama ni Jesus” (Mga Gawa 4:13). Hindi dahil kinilala nila si Jesus, o dahil sinunod nila ang sistema ni Jesus, ngunit dahil sila ay “nakasama” Niya. Ang pagsama kay Jesus ang nakapagpabago sa mga taong tinawag ng Biblia na mga “hindi nakapag-aral at mga ordinaryong kalalakihan” sa matatapang at malalakas ang loob na mga lider. At iyan din ang katotohang ibinibigay sa atin kapag tayo ay iniimbitahan ni Jesus sa isang relasyon: upang “makapiling Siya.”

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Beginning A Relationship With Jesus

Nagsisimula ka pa lang ba sa isang bagong pananampalataya kay Jesu-Cristo? Nais mo bang magkaroon ng dagdag na kaalaman tungkol sa Kristiyanismo ngunit hindi ka sigurado kung ano ang itatanong—o kung paano— magtanong? Ku...

More

Nais naming pasalamatan sina David Dwight, Nicole Unice, at David C. Cook sa pagbibigay nila ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa: http://www.dccpromo.com/start_here

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya