Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagsisimula ng Relasyon kay JesusHalimbawa

Beginning A Relationship With Jesus

ARAW 6 NG 7

"Sino ang Diyos?"Ang pag-unawa sa ilang pangunahing bagay tungkol sa Diyos ay makatutulong sa iyo habang ikaw ay nagsisimulang sumunod sa Kanya. Pag-usapan natin ang apat sa katangian ng Diyos.Ang Diyos ay walang hangganan.Ginagamit ng Diyos ang bawat salitang mayroon upang ilarawan ang Kaniyang sarili na labas sa panahon:walang hangganan, magpakailaman, Ang Diyos ay panghabambuhay. Ang panghabambuhay ay hindi nangangahulugan ng mahabang, mahabang panahon. Ito ay "hindi masusukat". Ito ay nangangahulugang "labas sa sukatan ng oras."Ang Diyos ay para sa pakikipag-ugnayan. Itinuturo ng Bibliya sa maraming pagkakataon na ang Diyos ay umiiral bilang tatlong persona sa isang perpektong pagkakaisa. Ito ang tinatawag na Santatlo. Imbes na maging iisang anyo ng Diyos, ang Diyos sa Bibliya ay ang Diyos Ama, Diyos Anak (Jesus Christ), and ang Diyos Espiritu Santo. Sila ay tatlong magkakaibang persona, ngunit namumuhay at kumikilos sa perpektong pagkakaisa. Ang Diyos ay perpekto. Siya ay walang bahid at wala nang kailangang pagpapabuti pa. Wala Siyang kakulangan -- sa kalooban, puri, kaalaman, kapangyarihan, o kakayahan. Lalo na kung ihahambing sa atin, ang Diyos ay perpekto sa moralidad. Sinasabi ng Bibliya, "Ang Diyos ay liwanag; sa Kanya ay wala ni kaunting kadiliman" (1 Juan 1:5).Ang Diyos ay "omni o nasa lahat". Ang Diyos ay omnipresent, Siya ay omnipotent, at Siya ay omniscient. Ang mga salitang ito ay nangangahulugan (sa pagkakasunod-sunod) na ang Diyos ay nasa lahat ng dako, makapangyarihan, at marunong sa lahat ng bagay. Kaya ng Diyos na maging nasa lahat ng dako sa parehong oras. Siya ay makapangyarihan sa lahat ng mga bagay, at alam Niya ang lahat ng bagay. Ano ang kahalagahan ng lahat ng ito?Ang pagkaunawa sa kawalang-hanggan ng Diyos ay nagbibigay sa akin ng pag-asa. Ang malaman na Siya ay para sa pakikipag-ugnayan ay nangangahulugang maaari akong makipag-usap sa Kanya. Ang malaman na ang Diyos ay perpekto ay nangangahulugan na kahit na may mga pagkakataong hindi ko maunawaan, maaari akong magtiwala sa Kanya. At ang malaman na Siya ang lahat ay nangangahulugang na Siya ang may hawak ng kapangyarihan, na Siya ay hindi tayo iiwanang mag-isa, at ang lahat ng kasamaan ay hindi mananaig. Kaya, sino ang Diyos? Siya ang lumikha sa iyo. Siya ang nagmamahal sa iyo na higit pa sa iyong pinakamasidhing mga pangarap, at Siya ang nag-alay ng Kanyang bugtong na Anak na si Hesus, maging sa punto ng kamatayan, upang Siya ay magkaroon ng walang hanggang ugnayan sa Iyo. Ang pagkakilala sa DIyos ay nakakapagbago ng ating pagtingin sa mga tao -- nagsisimula tayong tignan sila bilang mga walang hanggang kaluluwa, at hindi basta pansamantalang mga katawang-lupa. Ang pagkakilala sa Diyos ay nakakatulong sa atin na harapin ang mga pagsubok sa ibang paraan. Ang pagkakilala sa Diyos ay nangangahulugang hindi na natin kailangang maramdaman na ang buhay natin ay wala sa ayos. Ang pagkakilala sa Diyos ay inilalapat tayo sa pagpapakumbaba at layunin. Ang pagkakakilala sa Diyos ay tumutulong upang magkaroon ng kahulugan ang buhay.
Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Beginning A Relationship With Jesus

Nagsisimula ka pa lang ba sa isang bagong pananampalataya kay Jesu-Cristo? Nais mo bang magkaroon ng dagdag na kaalaman tungkol sa Kristiyanismo ngunit hindi ka sigurado kung ano ang itatanong—o kung paano— magtanong? Ku...

More

Nais naming pasalamatan sina David Dwight, Nicole Unice, at David C. Cook sa pagbibigay nila ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa: http://www.dccpromo.com/start_here

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya