Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagsisimula ng Relasyon kay JesusHalimbawa

Beginning A Relationship With Jesus

ARAW 4 NG 7

“Ang Paanyaya” Isa sa kapansin-pansing katangian ng pananampalatayang Kristiyano ay ang ugnayan kay Jesus na madalas may kasamang paanyaya. Hindi ito kailanman ipinipilit. Minsan ay may isang binatang lumapit kay Jesus, nagtatanong kung ano ang kinakailangan niyang “gawin" upang magkaroon ng buhay na walang hanggan (Marcos 10:17-22). Gaya ng madalas na ginagawa ni Jesus, dinala niya ang usapan sa paraang malinaw na makikita ng lalaki ang kanyang sarili. Kung kaya’t hindi man lamang siya tinanong ni Jesus. Inisa-isa lamang Niya ang mga Utos ng Diyos, at sumagot ang binata, “Opo, opo, tinutupad ko po ang mga iyan!” Ngunit ang sumunod na pangyayari ang pinakanakapupukaw. Sinasabi sa Marcos 10:21, “Si Jesus ay magiliw na tumingin sa kanya.” Tumingin si Jesus. Hindi Siya nangaral. Hindi Siya nanisi. Sa halip, tinignan Niya nang tuwid ang binata at itinuon ang Kanyang buong puso at isipan sa taong ito, nag-aanyayang sumunod sa Kanya. Nagpakita ng pagmamahal si Jesus. Sa pagtingin na ito nabuo ang pag-ibig. Hindi dahil sa mahigpit na pagsunod ng binata sa mga tuntunin o sa kanyang kamangha-manghang mga gawa. Nakita at minahal siya ni Jesus kung ano siya. Malinaw na nais ng binata na gusto niyang sundin si Jesus at gawin ang tama. Ngunit nang anyayahan siya ni Jesus, ginawa Niya ito nang may pangako: “Humayo ka, ipagbili mo ang iyong mga ari-arian at ibigay mo sa mga mahihirap ang pinagbilhan, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos ay bumalik ka, sumunod ka sa akin” (Mateo 19:21). Nang magiliw na tinignan ni Jesus ang taong ito, alam Niya kung ano ang kailangan Niyang gawin upang matuklasan ang tunay na nilalaman ng kanyang puso. Sa pagsasabi na kailangan nitong ipagbili ang kanyang mga ari-arian, pinadali ni Jesus para sa lalaking ito ang pagpili. Kung kaya’t tinignan siya ni Jesus, minahal siya, at ibinigay ang paanyaya. Ngunit lumakad papalayo ang binata. Ito ang nakamamangha sa Diyos. May kapangyarihan ang Diyos na pasunurin tayo, ngunit hindi Niya ito ginagawa; binibigyan Niya tayo ng kalayaan na tanggapin o tanggihan Siya. Minsan sinasabi ng mga tao, “Kung nais ng Diyos na magkaroon talaga tayo ng kaugnayan sa Kanya, bakit hindi na lamang Niya tayo ginawa na siguradong pipiliin iyon?” Ngunit ang pagmamahal ay hindi naiaayon sa kagustuhan ninuman. Kung tayo ay pinilit na tanggapin si Jesus, pinilit na maging mga Kristiyano, lalabag ito sa katangian ng Diyos at sa pinakamahalagang tema ng Kristiyanismo—na ang handog sa atin ni Jesus ay pagmamahal, ang pinakadalisay na uri ng pagmamahal.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Beginning A Relationship With Jesus

Nagsisimula ka pa lang ba sa isang bagong pananampalataya kay Jesu-Cristo? Nais mo bang magkaroon ng dagdag na kaalaman tungkol sa Kristiyanismo ngunit hindi ka sigurado kung ano ang itatanong—o kung paano— magtanong? Ku...

More

Nais naming pasalamatan sina David Dwight, Nicole Unice, at David C. Cook sa pagbibigay nila ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa: http://www.dccpromo.com/start_here

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya