Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagsisimula ng Relasyon kay JesusHalimbawa

Beginning A Relationship With Jesus

ARAW 2 NG 7

“Mga Tanong" Ang mga taong likas na magaling sa pakikipag-ugnayan sa iba ay madalas na mahuhusay magtanong. Dito rin mahusay ang Diyos. Tignan ang ilan sa mga pinakamalalalim na katanungan ng Diyos: Nasaan ka? (Genesis 3:8-9) Sa simula pa lamang ng Biblia, ipinakita na ng Diyos ang aspetong ito sa pamamagitan ng kanyang relasyon kina Adan at Eva—isang mapagtiwala, bukas, at malimit na ugnayan. Sa Genesis 3, mababasa natin ang pagtalikod nina Adan at Eva sa Diyos at pamumuhay nang malayo sa Kanya. Nang masira ang kanilang ugnayan, hinanap ng Diyos sina Adan at Eva. Hindi Siya dumating upang parusahan o ipahiya sila kundi upang ayusin ang kanilang ugnayan. Kapag naramdaman mo ang Diyos na kumikilos sa buhay mo, nangangahulugan itong pinili ka rin Niya, para lubusang makilala Siya at mamuhay nang may personal na pagkilala sa Kanya. Ano ang kailangan mo? (Juan 1:35-39) Sa Juan 1, matutunghayan natin si Jesus na kausap ang ilang mga kalalakihan gaya ng Diyos na nagtatanong. Tinanong Niya, “Ano ang kailangan ninyo?” (Juan 1:38). Iniwasan ng mga kalalakihan ang tanong at binago ang paksa, nagtanong sila, “Saan po kayo nakatira, Rabi?” Sa halip na tumugon, sinabi Niya, “Halikayo at tingnan ninyo” (Juan 1:39). Sa halip na sumagot, nagbigay Siya ng paanyaya. Madalas, marami sa atin ang nagsasabing, “May kailangan ako sa Iyo,” habang ang Diyos ay nagsasabi sa atin, “Nais Kong makasama ka.” Para sa inyo, sino Ako? (Mateo 16:13-15) Ito ang simula ng Kristiyanismo. Ang sagot mo sa tanong na ito ang simula, dahil dito ka magkakaroon ng malinaw na pananaw tungkol kay Jesus. Sa kabutihang palad, ang sinasabi ni Jesus tungkol sa sarili Niya ay nasa Biblia, kabilang na ang Juan 10:36, Juan 11:25, Juan 10:11, at Juan 8:58. Ito ay ilan lamang sa mga pahayag ni Jesus—kung paano Niya tutugunin ang tanong tungkol sa pagkatao Niya. Subalit hindi rito tumitigil si Jesus; ginagawa Niya itong mas personal. Naniniwala ka ba sa sinabi ko? (Juan 11:25-26) Laging ginagawang personal ni Jesus ang mga bagay. Sinabi Niya sa Kanyang mga alagad, “Ngunit sa iyo—sino ang sinabi mong ako?” at sinabi Niya kay Marta sa Juan 11:25-26, “Naniniwala ka ba dito?” Tinatanong din tayo ni Jesus ng ganito, at ang pagsagot natin ay bahagi ng pagkakaroon ng ugnayan sa Diyos, ang pagtuklas sa Diyos at sa katotohanan. At ang pagtuklas sa katotohanan ay nagsisimula kay Jesu-Cristo.
Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Beginning A Relationship With Jesus

Nagsisimula ka pa lang ba sa isang bagong pananampalataya kay Jesu-Cristo? Nais mo bang magkaroon ng dagdag na kaalaman tungkol sa Kristiyanismo ngunit hindi ka sigurado kung ano ang itatanong—o kung paano— magtanong? Ku...

More

Nais naming pasalamatan sina David Dwight, Nicole Unice, at David C. Cook sa pagbibigay nila ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa: http://www.dccpromo.com/start_here

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya