Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 216 NG 280

ESPIRITUWAL NA PAMANA

Ang bersikulong ito ay tumutukoy kay Herodes Agrippa I, na apo ni Herodes ang Dakila. Kapansin-pansin, ang pangyayaring ito ay naitala rin ni Josephus na isang mananalaysay na Hudyo, sa kanyang ginawang Jewish Antiquities. Inilarawan ni Josephus ang maharlikang kasuotan ni Herodes bilang "isang kasuotang yari sa pilak na kumikinang sa sinag ng sumisikat na araw." Hindi nakapagtatakang ang mga tao ay humanga! Ngunit sa dulo, hindi nailigtas ng kayabangan ni Herodes ang kanyang sarili mula sa isang nakakahiyang kamatayan.

Ito man ay ang pinakabagong gadyet o ang pinakausong damit, ang totoo ay ginagamit natin ang mga materyal na pag-aari natin upang makuha ang pagpapatunay ng mundo para sa sarili natin at ng mga anak natin. Ngunit ang kasiyahang dala ng mga bagay na ito ay pansamantala lamang. Sa halip, nais ng Diyos na magtiwala tayo sa Kanya sa pamamagitan ng pagsusuko sa Kanya ng ating kaluwalhatian.

Piliin mong habulin ang mga espirituwal na pamana sa halip na mga materyal lamang.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com