Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 220 NG 280

MUMURAHING PAMALIT

Pagkatapos ng kamatayan ni Solomon, ang kaharian ng Israel ay nahati. Si Jeroboam ang naging hari ng Kaharian sa Hilaga at si Rehoboam ang naging hari ng Kaharian sa Katimugan. Noong panahon iyon. ng mga kalalakihang Hudyo ay kinakailangang maglakbay patungo sa templo sa Jerusalem tatlong beses sa isang taon, ngunit natatakot si Jeroboam na ang palagiang paglalakbay na ito patungo sa Kaharian sa Katimugan ay pahihinain ang kanyang kapangyarihan. Nagpasiya siyang magtayo ng kanyang sariling panambahan sa Dan at sa Bethel at nagluklok ng isang gintong bisiro sa bawat lugar. Sapagkat mas madali ito, ang mga tao ay pumayag na ipagpalit ang tunay na pagsamba para sa ipinalit na relihiyon ni Jeroboam.

Huwag mong isakripisyo ang pinakamabuti ng Diyos para sa mumurahing pamalit dito. Kung minsan, hinahabol natin ang mga bagay sa mundong ito para sa sarili natin at para sa ating mga anak sa kaisipang ito ay makalulugod sa atin nang higit kaysa sa Dios. Ang isang personal na relasyon sa Dios ay maaaring gumugol ng panahon, kasigasigan, at pakikipag-ugnayan sa Salita. Kapag ikaw ay natutuksong pabilisin ang proseso, lagi mong tandaan na hindi pinalago ng Diyos ang puno ng ensina sa magdamagan lamang.

Ang buhay ay matatagpuan kay Jesucristo, walang pamalit dito!

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com