Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

KOMPROMISO
Ang mga Israelita ay nagtayo ng mga pintuan at mga pader sa paligid ng kanilang lunsod bilang proteksyon. Sinalakay ng mga Asiryan ang mga pader na ito sa pamamagitan ng mahahabang tikin na pinatulis ang dulo sa pamamagitan ng pait. Ginamit nila itong parang palito, na unti-unting nginangatngat ang malilit na bato sa pader. Bagaman ito ay hindi nakakatakot na sandata, ito ay mabisa paglipas ng panahon sapagkat gumuho ang buong pader kalaunan. Kakatwa namang ito rin ang naging paraan kung paanong gumuho ang Nineveh na isang kahanga-hangang lungsod ng Assyria, sa pamamagitan ng pagtatanggal ng mga ladrilyo sa mga pader, isa-isa, hanggang ito ay gumuho!
Sa kaparehong paraan, ang maliliit na pakikipagkasundong ginagawa natin sa ating buhay ay maaaring hindi nakakasama sa simula, subalit ang bawat isa rito ay nagiging sanhi upang mawala ang balangkas ng ating karangalan. Ito ay maaaring sa pamamagitan ng paggawa ng dahilan kung bakit nahuli sa pagpasok sa paaralan ang ating mga anak, o sa pagpapalit sa mga bagay na naiwala nila sa halip na papanagutin mo sila sa mga ito. Maaaring ito ay ang pagpapahintulot sa iyong anak na wala pa sa legal na edad na uminom ng serbesa sa bahay dahil iniisip nating mas hindi niya gagawing uminom at magmaneho. Sa paglipas ng panahon, maaaring matagpuan nating lumayo na tayo mula sa katotohanan ng Ebanghelyo at sa banal na halimbawa ng Diyos kung saan tayo ay tinawag.
Huwag mong hayaang parupukin ng mga kompromiso ang iyong karangalan.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com
Mga Kaugnay na Gabay

12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga Magulang

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Mga Sulat ni Pablo

Nilikha Tayo in His Image

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Mag One-on-One with God

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo