Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PAGBUO NG ATING PANANAMPALATAYA
Mas marami sa mga naitalang himala ni Cristo ay ginawa sa Capernaum kaysa ibang lunsod. Halimbawa, dito pinagaling ang biyenang-babae ni Pedro, ang alipin ng kapitang Romano, at ang paralisadong lalaki na ibinaba mula sa bubungan. Ngunit sa kabila ng mga himalang ito, pinili ng mga taga-Capernaum na hindi paniwalaan ang Magandang Balita ni Jesus.
Bagaman nais nating lahat makakita ng mga mapaghimalang gawa ng Diyos sa ating buhay, madalang mangyari ito. At kung ang mga tao sa Capernaum ang gagawing halimbawa, ang makasaksi ng himala ay hindi garantiya na lalago ang ating pananampalataya. Ang subok at tunay na paraan ng pagpapalakas ng iyong pananampalataya ay ang pag-aaral at pagninilay-nilay ng Salita ng Diyos.
Ang patuloy na paglaan ng oras sa Salita ng Diyos, gayunman, ay kinakailangan ng disiplina! Kailangang tanawin natin ang ating lakad-Cristiano bilang isang marathon, imbis na isang sprint. Walang mabilisang paraan. Ang karunungan na nagmumula sa Biblia at ang matatag na pananampalataya ay kinakailangan sa pagmamagulang at mas madali natin itong mapagbubuti kung araw-araw ay bubusugin natin ang ating mga sarili ng Salita ng Diyos.
Magsanay para sa pangmahabaang takbuhan kasama ang Salita ng Diyos.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com
Mga Kaugnay na Gabay

12 Malalaking Pagkakamali na Maaaring Maiwasan ng mga Magulang

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Mga Sulat ni Pablo

Nilikha Tayo in His Image

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Mag One-on-One with God

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo