Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 217 NG 280

PALAWAKIN ANG IYONG PANANAW

Ibinigay ni Jesus ang Sermon sa Bundok sa hilagang baybayin ng Dagat ng Galilea malapit sa Capernaum. Sapagkat ang lugar na ito ay matatagpuan sa mahalagang salubungang-daan para sa mga taong patungo sa hilaga sa Mesopotamia at sa timog papuntang Ehipto, nangaral Siya sa iba't-ibang uri ng sangkatauhan. Hindi Niya nilagyan ng hangganan ang Kanyang pakikipag-ugnayan sa mga "tamang" tao.

Kung minsan, mahirap para sa atin ang lumabas sa ating "nakasanayan". Napapalapit tayo sa mga taong nag-iisip, naka-anyo, at kumikilos na tulad natin at napapalampas natin ang pagkakataong makipag-ugnayan sa mas malawak na pangkat ng tao. Marahil, ang tingin natin sa ibang tao ay "mas mababa" kaysa sa atin at nagagalit pa tayo kapag nangangailangan sila ng ating oras, lakas o pansin. Mahilig ang taong itaas ang sarili niya sa iba upang mas mabuti ang pakiramdam niya sa sarili. Ang mataas na pagtingin sa sarili at ang kawalang-kapanatagan ay maaaring maipasa sa ating mga anak.

Hanapin at yakapin ang mga taong dinadala ng Diyos sa sangandaan ng iyong buhay. Hayaang ang buhay mo ay maging patotoo sa kahalagahan at saysay ng lahat ng tao.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com