Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

PAGTANGGAP SA KAKULANGAN
Nang hatiin ni Moises ang Lupang Pangako sa labindalawang angkan ng Israel, hindi nakuntento ang mga angkan ni Ruben at ni Gad sa kanilang minana at hiniling nila kay Moises kung maaaring ang lugar sa silangan ng Jordan ang mapasa-kanila. May pag-aatubili siyang pumayag pero kailangan nilang mangako na tutulungan ang iba pang angkan na sakupin ang lupa.
Pagkatapos nilang tuparin ang kanilang kasunduan na makipaglaban kasama ang kanilang mga kapatid, hindi sila tumira kasama ang ibang mga Israelita at bumalik sa kanilang lupain sa labas ng hangganan ng Lupang Pangako. Sa katunayan, napakalayo nila sa lugar ng pananambahan ng Israel, kinailangan nilang gumawa ng sariling altar bilang paalaala sa kanilang mga anak na sila ay mga Israelita.
Bilang mga Kristiyano, maaaring nakatira tayo sa "loob ng Lupa" sa ilang bahagi ng ating buhay, pero pinipili nating tumira "sa labas ng Lupa" sa iba. Anong bahagi ng iyong buhay ang nag-aatubili kang isuko sa Dios? Nananatili ka ba sa mga gawain, kinagawian at pag-uugali na nasa labas ng hangganan ng makadios na pag-uugali kung kaya mahirap para sa iba na makilala ka bilang Cristiano?
Anong bahagi ng iyong buhay ang nag-aatubili kang isuko sa Dios?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com