Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 221 NG 280

ANG MASIGASIG NA PANANAMPALATAYA

Nang marinig ng hari ng Jerico na may mga espiya sa kanyang lupain, nagpadala siya ng mensahe kay Rahab na ilabas nito ang mga Israelita na nasa kanyang bahay. Itinago ni Rahab ang mga ito sa kanyang bubong, ngunit sinabi niya sa mga tauhan ng hari na ang mga ito ay nakaalis na. Umalis ang mga tauhan ng hari upang sila ay habulin. Sinabi ni Rahab sa mga espiya na alam niya na ang Diyos nila ay Diyos ng langit at lupa at hiniling sa mga itong iligtas ang kanyang pamilya kapag sila ay bumalik upang sakupin ang bayan. Pumayag sila at ibinaba niya ang mga ito mula sa bintana niya upang makatakas sila patungo sa kaburulan.

Paniniwala sa Diyos ang unang hakbang sa pananampalataya ni Rahab. Ngunit hindi siya huminto roon. Kumilos siya ayon sa kanyang nalalaman at, bunga nito, ang kanyang pananampalataya ay nakilala ilang daang taon pagkalipas sa Hebreo 11.

Turuan ang inyong mga anak na hindi ang iyong nalalaman, kundi ang gagawin mo ayon sa iyong nalalaman ang mahalaga.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com