Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Gawa 12:21-24

Mga Gawa 12:21-24 RTPV05

Pagsapit ng takdang araw, si Herodes ay nagsuot ng damit-hari, umupo sa trono, at nagtalumpati. Sumigaw ang bayan, “Isang diyos ang nagsasalita, hindi tao!” At noon din ay hinampas ng isang anghel ng Panginoon si Herodes, sapagkat inangkin niya ang karangalang nauukol sa Diyos; at siya'y kinain ng mga uod hanggang sa mamatay. Samantala, lumalaganap naman ang salita ng Diyos, at lalong dumarami ang mga mananampalataya.