Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

121 AdbiyentoHalimbawa

121 Advent

ARAW 13 NG 24

Kaabalahan: Isang Balakid sa Kapayapaan

Maraming taon na ang nakararaan, dalawang magkapatid na babae ay nagkaroon ng pagkakataon na marami sa atin ay nangangarap na magkaroon. Naroon sa kanilang tahanan si Jesus bilang kanilang panauhin. Ilan kaya sa atin ang gustong gumugol ng kanilang oras kasama si Jesus sa kanilang tahanan? Seryoso. Si Jesus!

Ngunit narito sila, si Maria at Marta, inaasikaso si JesuCristo sa kanilang tahanan. Si Marta, gaya ng iniisip nang marami sa atin, ay nagnanais na maging perpekto ang lahat para kay Jesus. Siya ay nagwalis, siya ay nag-ayos, kumuha siya ng mga inumin, nagpuno siya ng mga inumin, siya ay naglinis, inihanda niya ang bahay nang perpekto para kay Jesus. Si Maria, sa kabilang banda ay hindi gumawa ng alinman doon. Basta naupo lang si Maria sa paanan ni Jesus, nanonood, nakikinig, tinatamasa ang lahat ng ito.

Si Marta, sa isang matinding gulo, ay kinuha ang sampung segundo upang tawagin ang kanyang tamad na kapatid at tinanong si Jesus kung Siya ay makikialam. Ang sagot ni Jesus ay nagsasabi sa atin nang marami. “Marta, Marta, nababalisa ka at abalang-abala sa maraming bagay, ngunit iisa lamang ang talagang kailangan. Mas mabuti ang pinili ni Maria at ito'y hindi aalisin sa kanya.” (Lucas10:41-42)

Sa gitna ng kanyang kaabalahan, si Marta ay abalang-abala na hindi mapakali, at nakaligtaan si Jesus. Ang kanyang kaabalahan, bagaman ay inakala niyang mabuting pag-aasikaso, ay isa lamang balakid upang maranasan ang Prinsipe ng Kapayapaan. Ang kaabalahan kadalasan ay nagbabalatkayo bilang produktibo, maging espirituwal. Ngunit madalas, ang kaabalahan ay hinahadlangan tayo sa mas pinakamahalaga, nakaupo sa paanan ng Tagapagligtas at tinatamasa ang Kanyang kapayapaan!

Mga Pamilya na May Maliliit na Anak

Basahin ang Lucas 10:38-42. MGA BATA, Bakit nababalisa si Marta sa kanyang kapatid na si Maria? (si Marta ay nagsisikap nang husto na maging perpekto ang mga bagay para kay Jesus at ang kanyang kapatid ay abala sa pakikipag-usap kay Jesus sa halip na tulungan siya) Naranasan mo na ba na hindi ginagawa ng isang tao ang parte nila? Marahil mga kapatid na hindi ginagawa ang gawaing-bahay o ang kasama sa koponan na hindi nag-aambag sa grupo? Ano ang mararamdaman mo doon? Pakiramdam mo ba na sobra kang abala upang gumugol ng oras kasama si Jesus sa panalangin o sa pagbabasa ng Biblia? Ano ang naiisip mong gawin upang tulungang disiplinahin ang iyong sarili sa aspetong ito? Ninanais ni Jesus ang isang pakikipagkaibigan sa iyo at upang maging mabuting kaibigan kailangan mong gumugol ng oras kasama Siya.

Labindalawang araw na lang bago ang Pasko… Wow! Ano ang ilang bagay na maaari mong simulang gawin upang ihanda ang iyong sarili para sa MAHALAGANG araw? Paano mo ipagdiriwang ang kaarawan ni Jesus? Ano ang ilang bagay na maaaring mong gawin sa iyong bahay upang tulungan ang iyong mga magulang na hindi maging abala sa paghahanda para sa Pasko?

Mungkahing Gawain: Pag-isipan ang mga kaibigan o kapitbahay na maaari mong anyayahan sa isang Birthday Party para kay Jesus! Maaaring gawin ang pagdiriwang sa simula ng bakasyon ng Pasko. Magbigay ng meryenda, maglaro, magpatugtog ng mga awiting Pamasko o umawit ng mga kanta at hulaan ang mga pamagat, magkuwento o isadula ang kuwento ng kapanganakan ni Cristo at ipaalam sa lahat ng iyong mga kaibigan bakit ang Pasko ay isang MAHALAGANG araw!

Manalanging na tulungan ka ng Diyos upang maging disiplinado sa paggugol ng oras sa Kanya sa panalangin at pagbabasa ng Kanyang Salita. Pasalamatan Siya sa pagmamahal sa iyo at pagpapadala ng Kanyang Anak upang iyong maging matalik na kaibigan.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

121 Advent

Ang kapanganakan ni Cristo, ang Kanyang adbiyento, ay tanda ng sukdulang plano ng Diyos para sa ating katubusan. Kay Cristo, makikita natin ang pinakabuong larawan ng pag-asa, kapayapaan, kagalakan at pag-ibig ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay ang katotohanan kung saan alam natin at lumalakad tayong kasama Siya araw-araw. Inaasahan namin na ang gabay na ito ay maghihikayat at makakatulong sa personal na oras na paggugol sa Salita at magbigay ng isang kasangakapan para sa mga pamilya na may mga anak na gawin iyon nang sama-sama.

More

Nais naming pasalamatan ang 121 Community Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://121cc.com/