121 AdbiyentoHalimbawa

Paano Natin Dadalhin ang Kapayapaan sa Mundo
Sa sulat ni Pablo sa mga taga-Filipos, hinihimok niya sila na magkaroon ng saloobin ng isang Cristo, isang tindig ng pagpapakumbaba (Mga Taga-Filipos 2:1-11). Ang pagpapakumbaba ay itinuturing ang iba na mas mahalaga kaysa sa iyong sarili. Ito ay hindi ang pag-iisip na mababa ang iyong sarili, ito ay ang pag-iisip sa sarili na mababa upang makita natin na mas higit ang iba.
Si Jesus ay naparito upang magdala sa atin ng kapayapaan, upang ipagkasundo ang ating nasirang relasyon sa Diyos. At iniiwan Niya tayo bilang Kanyang mga kinatawan, ang Kanyang mga kinatawan ng pakikipagkasundo (2 Mga Taga-Corinto 5:17-21). Mayroon tayong pananagutan na isaalang-alang ang iba bilang mas mahalaga kaysa sa ating mga sarili at dalhin sa kanila ang pag-asa na sila rin ay maaaring ipagkasundo pabalik sa Diyos, sila rin ay maaaring magkaroon ng kapayapaan sa Manlilikha.
Kaya paano natin magagawa iyon? Mahalin ang iba tulad ng pagmamahal ni Jesus sa kanila. Magbigay ng kapayapaan tulad ng pagbibigay ng kapayapaan ni Jesus. Hanapin ang kanilang kapakanan. Hanapin ang kapayapaan para sa kanilang buhay. Kapag tayo ay tunay na tumitingin para sa ikabubuti ng iba, ang kapayapaan ay likas na susunod.
Mga Pamilya na May Maliliit na Anak
Basahin ang Mateo 5:9. MGA BATA, Ano ang ilan sa mga paraan na sinasabi ng mundo na maaari tayong magkaroon ng kapayapaan? (pagpunta sa spa o mamahinga; magrelax sa dagat; pagbabasa ng magandang libro; atbp.) Bagamat walang mali sa alinmang mga gawain na ito, ano ang sinasabi ng Diyos kung paano tayo magkakaroon ng kapayapaan? (sa pamamagitan ni Jesus) Sa pagsasabi sa iba ng tungkol kay Jesus maipaaalam natin sa kanila na ang tunay na kapayapaan ay nagmumula lamang kay Jesus. Mag-isip ng ilang mga paraan na maibabahagi natin sa iba ang balita ng kapayapaan ng Diyos?
Basahin ang Lucas 2:15-18. MGA BATA, ang pananabik ay tumakbo sa mga pastol at kumalat sa iba habang ibinabahagi nila ang kamangha-manghang balitang ito. Ano ang kamangha-manghang balita na kailangan nilang ibahagi? (na si Jesus ay ipinanganak) Ang balita ba ng kapanganakan ni Jesus ay isang sorpresa sa lahat? (hindi, ang kuwento ay naihula na maraming taon ang nakararaan)Kung ikaw ay naging isa sa mga pastol, kanino mo sasabihin ang balita at paano mo ito sasabihin sa kanila? Magpanggap na ikaw ay isang pastol at isadula kung ano ang gagawin mo.
Habang nananalangin ka, pasalamatan ang Diyos para sa Kanyang pangako na magpapadala ng isang Tagapagligtas at pasalamatan Siya sa pagpapadala ng Kanyang bugtong na Anak, si Jesus. Hilingin sa Kanya na tulungan kang ipakita sa iyo kung paano mapapanatili ang kapayapaan sa iba.
Tungkol sa Gabay na ito

Ang kapanganakan ni Cristo, ang Kanyang adbiyento, ay tanda ng sukdulang plano ng Diyos para sa ating katubusan. Kay Cristo, makikita natin ang pinakabuong larawan ng pag-asa, kapayapaan, kagalakan at pag-ibig ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay ang katotohanan kung saan alam natin at lumalakad tayong kasama Siya araw-araw. Inaasahan namin na ang gabay na ito ay maghihikayat at makakatulong sa personal na oras na paggugol sa Salita at magbigay ng isang kasangakapan para sa mga pamilya na may mga anak na gawin iyon nang sama-sama.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Prayer

Mag One-on-One with God

Nilikha Tayo in His Image

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Ang Kahariang Bali-baliktad

Sa Paghihirap…

Ang Kwento ng Naglayas na Anak
