Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

121 AdbiyentoHalimbawa

121 Advent

ARAW 14 NG 24

Ano ang Kagalakan?

Ang kagalakan ay madalas nangangahulugang, “isang damdamin ng matinding tuwa at kasiyahan.” Madalas inaakala natin na kagalakan ang kasiyahan at tila ang isang tao ay may kagalakan kung naglalakad silang palaging masaya, ngunit hindi ito ang kahulugan nito ayon sa Biblia.

Kapag naniniwala tayo na ang Diyos ang may kontrol, kasali na ang lahat ng mga detalye ng ating buhay, tayo ay may tiwala na Siya ay laging kumikilos upang mapalapit tayo sa Kanya sa lahat ng sitwasyon. Hindi lamang ito magtutulak sa atin na purihin Siya, ito rin ay magbibigay ng tunay na kagalakan.

Ang kagalakan ay hindi isang pakiramdam kundi isang aksyon kung saan pinipili nating magtiwala sa Diyos sa lahat ng ating kalagayan.

Mga Pamilya na may mga Bata

Basahin ang Mga Taga-Filipos 4:4-7. Gumugol ng ilang minuto sa pagsasabi tungkol sa kung ano talaga ang kagalakan. Kailan ba tayo sinasabihan sa Biblia na magalak? (palagi) Bakit sinasabi dito na tayo ay magalak? (dahil nabibilang tayo sa Diyos)

MGA BATA, Karamihan sa mga tao ay masaya kapag lahat ng bagay ay maayos para sa kanila, ngunit kung ang mga bagay sa kanilang paligid ay mahirap o may masamang nangyayari, sila ay nakakaramdam ng pagkabigo at kalungkutan. Ngunit, ikinalilito nila ang kaligayahan sa tunay na kahulugan ng kagalakan. Tandaan mo ang sinasabi sa atin ng Mga Taga-Filipos 4 kung saan nanggagaling ang kagalakan, ito ay nagmumula sa pagiging pag-aari ng Diyos. Kahit na ang mga bagay na nangyayari sa atin ay hindi mabuti, tayo ay pwedeng magkaroon ng tunay na kagalakan dahil alam nating nabibilang tayo sa Kanya, at mapagtitiwalaan natin ang Diyos sa lahat ng mga bagay na nangyayari sa paligid natin.

Basahin ang Lucas 2:10-11. Anong klaseng balita ang dinala ng anghel? (isang magandang balita ng malaking KAGALAKAN!) Para kanino ang balita? (para sa lahat ng tao) Ano ang balita? (isang Tagapagligtas ang ipinanganak!) Saan nagmumula ang kagalakan mo ngayon panahon ng Adbiyento? Mula sa mga bagay na nangyayari sa paligid mo o mula sa magandang balita ng malaking kagalakan, na ang Tagapagligtas ay ipinanganak at nabibilang ka sa Kanya?

Tungkol sa Gabay na ito

121 Advent

Ang kapanganakan ni Cristo, ang Kanyang adbiyento, ay tanda ng sukdulang plano ng Diyos para sa ating katubusan. Kay Cristo, makikita natin ang pinakabuong larawan ng pag-asa, kapayapaan, kagalakan at pag-ibig ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay ang katotohanan kung saan alam natin at lumalakad tayong kasama Siya araw-araw. Inaasahan namin na ang gabay na ito ay maghihikayat at makakatulong sa personal na oras na paggugol sa Salita at magbigay ng isang kasangakapan para sa mga pamilya na may mga anak na gawin iyon nang sama-sama.

More

Nais naming pasalamatan ang 121 Community Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://121cc.com/