121 AdbiyentoHalimbawa

Paano Tayo Mamumuhay nang Payapa Kasama ang Ibang Tao?
Sa loob ng tatlumpung taon, nakatayo ang Pader ng Berlin na naghihiwalay sa mga pamilya, kaibigan at kababayan sa isa't isa. Ang sementado at alambreng tinik ang naghahati sa isang panig ng lungsod sa isa pa. Sa pader na ito, imposible ang kapayapaan. Anumang poot ang naroon, hindi sila maaaring umunlad sa lipunan dahil sa pader na ito na naghahati sa kanila. Noong Nobyembre 9, 1989, ang pader ay "bumagsak" at ang mga taga-Berlin ay pinahintulutang dumaan sa dating nakasaradong mga tarangkahan. Milyun-milyon ang nagsimulang magdiwang at sumigaw, “Buksan ang tarangkahan.” Sa wakas, maibabalik ang mga relasyon at magkakaroon ng kapayapaan.
Samantalang ang Pader ng Berlin ay literal na pader na naghahati ng isa mula sa kabila, madalas nagtatayo tayo ng mga pader ng pagkapoot sa ating mga puso na naghihiwalay sa atin sa iba. Ang pagkapoot na ating itinayo ay maaaring hindi literal, ngunit ito ay ganon din kalakas upang pigilan tayo mula sa kapayapaan sa isa't isa.
Ngunit binago ni Jesus ang lahat. Sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa krus, inalis Niya ang pagkakamali at kasalanan, nag-aalok ng kapayapaan sa lahat na ipinagkatiwala ang kanilang buhay sa Kanyang mga kamay. Para sa lahat na ngayon ay nasa Kanya, tayo ay pinagbuklod sa isang pamilya, at inalis ni Jesus ang bawat pader ng poot na pipigil sa atin sa kapayapaan sa iba. Kapag naaalala natin ang ginawa ni Jesus upang magdala ng kapayapaan sa ating buhay, ito ay nag-uudyok sa atin upang sumulong sa pagdadala ng kapayapaan sa iba!
Mga Pamilya Na May Maliliit na Anak
Basahin ang Mga Awit 29:11. MGA BATA, Habang tumatanda ka, mas maraming tunggalian kang makikita. Alam mo ba kung ano ang tunggalian? Ang tunggalian ay kapag ang mga tao ay mayroong di pagkakaunawaan at nahihirapang magkasundo. Sa mga sitwasyong ito, tayo ay tinawag na maging mga tagapamayapa. Paano ka magiging tagapamayapa? Ano kaya kung tumingin ka kay Jesus, ang iyong katuwang? Matutulungan ka Niyang humanap ng paraan upang magbigay ng kapayapaan. Ang pagiging tagapamayapa ay hindi nangangahulugan na ikaw ay titigil nang manindigan sa kung ano ang iyong pinaniniwalaan, ito ay nangangahulugan na nagdadala ka ng mas payapang pakiramdam sa isang sitwasyon na kulang ng kapayapaan. Sa tulong ng Diyos malalaman mo kung ano ang sasabihin sa mga mahihirap na sitwasyon. Ang kapayapaan ni Jesus ay papalit sa takot at pag-aalala, at dahil sa kapayapaan na ipinagkakaloob niya, tayo ay magiging tagapamayapa sa iba.
Mayroon bang pagkakataonna ikaw ay naging tagapamayapa? Mayroon bang pagkakataon na may tumulong sa iyo at nagbigay ng kapayapaan?
Basahin ang Lucas 2:13-14. MGA BATA, si Jesus ay naparito upang ituro sa atin ang daan. Siya ay naparito upang magbigay ng kapayapaan. Ang Kanyang nais ay mamuhay tayo sa kapayapaan kasama ang ibang tao. Maglaan ng oras ngayong gabi upang makinig at umawit ng ilan sa iyong mga paboritong awiting Pamasko kasama ang iyong pamilya! Habang ikaw ay nananalangin, hilingin sa Diyos na tulungan kang ipakita sa iyo ang kapayapaan sa iba. Pasalamatan Siya sa pagpapadala ng Kanyang Anak, si Jesus, upang bigyan tayo ng kapayapaan. Pasalamatan Siya sa pagbibigay sa atin ngayon ng panahon ng Kapaskuhan upang ipagdiwang si Jesus!
Tungkol sa Gabay na ito

Ang kapanganakan ni Cristo, ang Kanyang adbiyento, ay tanda ng sukdulang plano ng Diyos para sa ating katubusan. Kay Cristo, makikita natin ang pinakabuong larawan ng pag-asa, kapayapaan, kagalakan at pag-ibig ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay ang katotohanan kung saan alam natin at lumalakad tayong kasama Siya araw-araw. Inaasahan namin na ang gabay na ito ay maghihikayat at makakatulong sa personal na oras na paggugol sa Salita at magbigay ng isang kasangakapan para sa mga pamilya na may mga anak na gawin iyon nang sama-sama.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Mag One-on-One with God

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord

Buhay Si Jesus!

God Is With You

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

Dayuhan Tayo Sa Mundo

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Ang Kabutihan Ng Panginoon Sa Psalm 103

The Cross | Ang Krus at ang Kahulugan Nito sa Naliligaw na Sangkatauhan
