Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

121 AdbiyentoHalimbawa

121 Advent

ARAW 15 NG 24

Bakit Kagalakan?

Kung gayon, kung alam natin kung ano ang tunay na kagalakan, bakit ito mahalaga?

Sa mga taga-sunod ni Cristo, kapag tayo ay puno ng kagalakan at nagsisimula tayo sa pagpapakita nito, ipinapahayag natin sa mundo na tayo ay maaaring magalak sa anumang sitwasyon (Mga Taga-Filipos 4:4) at ipinapahayag natin ang kaluwalhatian ng Diyos sa pamamagitan ng mga sigaw ng kagalakan (Mga Awit 47:1). Maaaring hindi ito palaging mukhang maganda, ngunit maaari tayong umasa sa Diyos upang iligtas tayo at maaari tayong magalak sa proseso dahil sa napakaraming ginawa para sa atin sa pamamagitan ng natapos na gawain ni Jesu-Cristo. Kung hindi natin pipiliin ang kagalakan, ipinapahayag natin na ang ginawa ni Jesus ay hindi sapat. Kaya mahalaga para sa atin na piliin ang kagalakan araw-araw. Wala tayong kakaharapin na hindi maiintindihan ni Jesus at hindi Niya tayo matutulungan.

Mga Pamilya Na May Maliliit na Anak

Basahin ang Santiago 1:2. MGA BATA, bakit sa palagay ninyo mahalaga ang kagalakan? Sa inyo bang palagay iba ang hitsura natin sa mga nakapaligid sa atin kung tayo ay may kagalakan, kahit na ang mga bagay-bagay ay hindi maganda? Ano ang sinasabi ng Santiago 1:2 kapag iniisip natin ang mga kaguluhan bilang dalisay na kagalakan? (ito ay nagbubunga ng kalakasan upang magpatuloy)

MGA BATA, Kapag naaalala natin na ang ating kagalakan ay nagmumula sa pagiging nasa Panginoon, tayo ay makatitiyak na sa mga panahon ng kaguluhan aayusin Niya ang lahat. Sa pagpili ng kagalakan, tayo aya magiging patotoo sa mga nakapaligid sa atin sa kumpiyansa na nanggagaling sa pagkaalam at sa pagiging na kay Cristo!

Gusto ko ang kantang Joy to the World…Joy to the World, the Lord is come! Let earth receive her King; Let every heart prepare Him room, And Heaven and nature sing… Maglaan ng ilang panahon na awitin ang pamilyar na awit na ito nang sama-sama bilang isang pamilya. Tapusin ang araw na ito sa pamamagitan ng pag-uusap ng tungkol sa mga paraan kung paano mo hahayaan na gamitin ka ng Panginoon upang maghatid ng kagalakan sa mga nakapaligid sa iyo ngayong panahon ng Adbiyento.

Tungkol sa Gabay na ito

121 Advent

Ang kapanganakan ni Cristo, ang Kanyang adbiyento, ay tanda ng sukdulang plano ng Diyos para sa ating katubusan. Kay Cristo, makikita natin ang pinakabuong larawan ng pag-asa, kapayapaan, kagalakan at pag-ibig ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay ang katotohanan kung saan alam natin at lumalakad tayong kasama Siya araw-araw. Inaasahan namin na ang gabay na ito ay maghihikayat at makakatulong sa personal na oras na paggugol sa Salita at magbigay ng isang kasangakapan para sa mga pamilya na may mga anak na gawin iyon nang sama-sama.

More

Nais naming pasalamatan ang 121 Community Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://121cc.com/