YouVersion Logo
Search Icon

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa PanalanginSample

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

DAY 5 OF 40

Araw 5: Buong Pusong Paglilinis

Isinulat ni Thai Lam (Si Thai ay nagsisilbing director ng Collegiate Day of Prayer at executive director ng Revival is Family Foundation, nagpapagal para sa isa pang Great Awakening sa mga kolehiyo.)

“Binigyan ng Diyos ang apat na kabataan ng kaalaman at kakayahan sa panitikan at agham. Bukod dito, binigyan pa si Daniel ng kakayahang umunawa at magpaliwanag ng lahat ng uri ng pangitain at panaginip.”

— Daniel 1:17 (MBB)

“Idinadalangin ko sa Diyos ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang maluwalhating Ama, na pagkalooban niya kayo ng espiritu ng karunungan at pagpapahayag tungkol sa Diyos upang lubos ninyo siyang makilala.”

— Efeso 1:17 (MBB)

Noong mga araw ni Nebucadnezar at ng pagkatapon ng Israel sa Babilonia, apat na batang Hudyo—si Daniel, Hananiah, Mishael, at Azariah—ay dinala sa paaralan ng pamumuno ni Nebucadnezar upang sanayin sa wika at panitikan ng Babilonia. Isa sa mga bahagi ng pagsasanay ay ang araw-araw na pagkain mula sa mga pinili ng hari. Ano ang layunin ni Nebucadnezar sa pagkuha ng mga batang pinuno mula sa isang bansa ng alipin at bibigyan sila ng libreng pag-aaral sa unibersidad ng “Ivy League” ng Babilonia, kasama ang tirahan at pagkain sa palasyo ng hari at hapag kainan?

Naniniwala ako na nais ni Nebucadnezar na magtanim ng gana sa pagkain at kasiyahan sa mga batang pinunong ito upang alisin ang kanilang mga pagsisikap na panatilihin ang kanilang mga gawi bilang mga Hudyo at ang kanilang pagsisigasig na maging bukod ayon sa batas ng mga Hudyo. Nais niyang pahinain ang kanilang pagtutol na malunod sa espiritu at kultura ng Babilonia.

Sa kanilang pagpasok sa Unibersidad ng Babilonia, binigyan din ang apat na batang Hudyo ng mga bagong pangalang. Si Daniel, na ang pangalan ay nangangahulugang “Ang Diyos ang aking hukom,” ay pinalitan ng pangalang Belteshazzar, na nangangahulugang “Ginang, protektahan ang Hari.” Si Hananiah (“Si Yahweh ay naging maawain”) ay pinalitan ng pangalang Shadrach (“Ako’y natatakot sa Diyos”). Si Mishael (“Sino ang katulad ng Diyos?”) ay pinalitan ng pangalang Meshach (“Ako’y kinamumuhian, minamaliit, pinapahiya”). At si Azariah (“Si Yahweh ay tumulong”) ay pinalitan ng pangalang Abednego (“Lingkod ni Nebo”). Nais ni Nebucadnezar na baguhin ang kanilang mismong pagkakakilanlan.

Gaya ni Nebucadnezar sa Babilonia, si Satanas—sa makabagong konteksto ng ating mga sekular at humanistic universities—ay nais ding pahinain ang ating pagsisigasig para sa kabanalan at ang ating buong pusong pagsunod kay Jesus at pahinain ang ating pagtutol sa mga pita ng mata, mga pita ng laman, at ang kayabangan ng buhay. Ang parehong banal na tagubilin ay naaangkop para sa atin ngayon gaya ng ginawa kay Daniel at sa kanyang mga kasama noong mga araw ng Babilonia: ang mga batang pinuno na ito ay nag-alay ng kanilang mga sarili sa isang pinagpalang pamumuhay ng matagalang pag-aayuno at regular na panalangin.

Pinili nilang boluntaryo na iwasan ang mga kasiyahan ng pagkain ng hari at niyakap ang isang pamumuhay ng panalangin at pag-aayuno ng gulay sa tatlong taon nila sa Unibersidad ng Babilonia. Sa pagkatutong tanggihan ang mga lehitimong kasiyahan ng pagkain, pabor, at ginhawa, sila ay lumago sa biyaya at lakas upang tanggihan ang mga hindi lehitimong kasiyahan ng kompromiso, pagpapasaya sa tao, at makasariling ambisyon. Sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa Diyos na kumilos sa mga kagustuhan ng kanilang tiyan sa pamumuhay ng pag-aayuno at panalangin, binigyan sila ng Diyos ng “karunungan at kasanayan sa lahat ng panitikan at karunungan” na sampung beses na mas mataas kaysa sa kanilang mga kasamahan. Naging mga pinuno sila na may pang-unawa mula sa langit na nagpabago sa kasaysayan.

PUNTOS NG PANALANGIN:

- Ipanalangin sa Diyos na humubog ng mga katulad ni Daniel sa mga kolehiyo na nakalaan para sa mga layunin ng Diyos at mag-aayuno at magdarasal para sa tagumpay sa kanilang mga kolehiyo.

- Ipanalangin sa Diyos na magtatag ng mga pinuno sa mga kolehiyo na tulad ni Daniel na may espiritu ng karunungan at paghahayag sa kaalaman ng Diyos.

About this Plan

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

Halina't samahan ang mga mananampalataya sa buong mundo para sa sama-samang pananalangin para sa revival at spiritual awakening ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga leader mula sa buong mundo ay nag-ambag sa gabay na ito, na magbibigay sa iyo ng isang kasangkapan para sa inspirasyon, pag-unawa, at paghihikayat upang mapasigla ang iyong mga panalangin. Makiisa sa pagdarasal kasama ang mga mananampalataya mula sa lahat ng mga bansa para sa loob ng 40 araw bago ang Collegiate Day of Prayer!

More