Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa PanalanginSample

Araw 6: Isang Gawain ng Pagsisisi
Isinulat ni Chris Ngai (Si Chris ay bahagi ng Pray Campus [America] - isang pinag-isang pagsasama ng mga kaibigan na nagnanais itanghal ang Presensya ng Diyos, sa pamamagitan ng araw at gabing pagsamba, panalangin, at revival sa mga kolehiyo.)
“Kaya nga, magsisi kayo at magbalik-loob sa Diyos upang patawarin ang inyong mga kasalanan,”
— Mga Gawa 3:19 (MBB)
“Sikapin ninyong makasundo ang lahat, at magpakabanal sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay nang ganito.”
— Hebreo 12:14 (MBB)
Kung tunay nating nais makita ang presensya ng Panginoon na dumaloy sa ating mga kolehiyo, kailangan nating ihanda ang daan para sa pagdaloy ng sariwang tubig! Gaya ng malinaw na sinasabi ng mga Kasulatan, ang pagpapakita ng Kanyang pagpapala at Kanyang presensya ay unang nakasalalay sa mga kondisyon ng pagsisisi at kabanalan.
Dumating si Juan Bautista upang ihanda ang daan ng Panginoon. Ang kanyang mensahe at ang kanyang bautismo ay parehong tungkol sa pagsisisi. Ang mga tao mula sa buong rehiyon ay nagsimulang lumapit upang ipahayag ang kanilang mga kasalanan at mabautismuhan bilang tanda ng kanilang pagsisisi. Tinawag niya sila na hindi lamang magpahayag, kundi tumalikod mula sa kanilang mga kasalanan, nagbubunga ng pagsisisi na karapat-dapat (Mateo 3:2-3, 5-6, 8). Ang paghahanda ng puso na ito ay nagbigay-daan sa pagpapahayag ng ministeryo ni Jesus sa Israel, at para mailapit ang langit sa buong bayan!
Si Frank Bartleman ng Azusa Street Revival ay nagsabi: “Ang lalim ng anumang revival ay matutukoy nang eksakto ayon sa espiritu ng pagsisisi na idinulot nito.”
Walang duda, walang pagkilos ng Diyos na magaganap nang walang malalim na pagsisisi sa atin. Nang dumating ang great revival sa Wales noong 1904, “Walang nangyari sa Wales na may kasing-lalim at malawak na epekto. Ang mga hindi naniniwala ay nagbalik-loob, ang mga lasenggo, magnanakaw at sugarol ay nailigtas; at libu-libo ang nagbalik-loob sa kabutihan. Ang mga pagpapahayag ng kasalanan ay narinig sa bawat dako. Ang mga lumang utang ay binayaran. Ang mga teatro ay napilitang magsara dahil sa kakulangan ng mga manonood. Ang mga asno sa mga minahan ng uling ay tumangging magtrabaho, dahil hindi sila sanay sa kabutihan. Sa loob ng limang linggo, 20,000 ang umanib sa mga simbahan.”
Sa loob ng mas mababa sa isang taon, higit sa 100,000 kaluluwa ang dinala sa Kaharian sa malaking pagbuhos ng Espiritu!
Bago magsimula ang Welsh Revival, ipinahayag ni Evan Roberts ang mensahe ukol sa apat na kondisyon para matanggap ang Banal na Espiritu na naging isang catalyst sa pagbuhos na ito:
1. Dapat ipahayag natin sa Diyos ang lahat ng hindi pa napapagsisihang kasalanan.
2. Dapat alisin natin ang anumang bagay na may duda sa ating buhay.
3. Kabuuang Pagpapasakop. Dapat nating sabihin at gawin ang lahat ng iniutos ng Espiritu sa atin.
4. Gumawa ng pampublikong pagpapahayag kay Cristo.
Handa na ba tayong ihanda ang daan ng Panginoon? Sapagkat kung walang pagsisisi, walang panahon ng pagpapalakas. Kung walang kabanalan, walang makakakita sa Panginoon!
PUNTOS NG PANALANGIN:
- Basahin ang Awit 139:23-24. Maglaan ng oras upang hilingin sa Diyos na suriin at ipahayag ang ating mga puso. Hayaan na ang bawat puso ay magtanong: “Panginoon, may mga bagay bang sa akin na nakakasakit sa Iyo? Mayroon bang mga bagay na hindi ko pa tunay na ipinagkatiwala sa Iyo?” Huwag magmadali. Hayaan ang Banal na Espiritu na ilantad ang lahat ng nais Niyang tugunan. Pagkatapos, ipahayag ang iyong mga kasalanan sa Diyos at sa isa't isa, at manalangin para sa isa't isa (Santiago 5:16).
- Matapos ipahayag ang bawat kasalanan, tanungin ang Diyos kung paano Niya nais palitan ang mga dating paraan ng pagtingin, pagiisip, paniniwala, at pamumuhay ng kung paano Niya nais na tayo ay tumingin, mag-isip, maniwala, at mabuhay!
- “Ama, kami ay nagnanais ng mga panahon ng pagpapalakas! Nais naming hilingin na maglabas Ka ng isang movement ng pagsisisi at kabanalan na magpapalaganap sa [inyong kolehiyo], na ang bawat puso ay mapuspos ng pananabik para sa Iyong presensya! Hayaan na ang kolehiyong ito ay maging isang altar, at ang bawat puso ay isang buhay na sakripisyo, kung saan ang apoy ng langit ay babagsak!”
Excerpts mula sa Repentance: The Forgotten Key of Revival ni Chris Ngai at Jacob Lawlor, p. 4.
Scripture
About this Plan

Halina't samahan ang mga mananampalataya sa buong mundo para sa sama-samang pananalangin para sa revival at spiritual awakening ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga leader mula sa buong mundo ay nag-ambag sa gabay na ito, na magbibigay sa iyo ng isang kasangkapan para sa inspirasyon, pag-unawa, at paghihikayat upang mapasigla ang iyong mga panalangin. Makiisa sa pagdarasal kasama ang mga mananampalataya mula sa lahat ng mga bansa para sa loob ng 40 araw bago ang Collegiate Day of Prayer!
More
Related Plans

Finding Strength in Stillness

Discover God’s Will for Your Life

EquipHer Vol. 26: "How to Break the Cycle of Self-Sabotage"

Made New: Rewriting the Story of Rejection Through God's Truth

Time Reset for Christian Moms

EquipHer Vol. 24: "Who’s Economy Are You Working For?"

Drawing Closer: An Everyday Guide for Lent

Slaying Giants Before They Grow

Ruth: A Story of Choices
