Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa PanalanginSample

Araw 4: Walang Revival Kung Wala ang Pagbabagong-buhay ng mga Tao
Isinulat ni James Choung (Si James ay nagsisilbing vice president ng strategy & innovation para sa InterVarsity USA, at nakatira sa greater Los Angeles kasama ang kanyang asawa at tatlong anak.)
“Ibangon mo kami, sana'y ibalik mo ang nawalang lakas,
at kaming lingkod mo ay pupurihin ka na taglay ang galak.”
— Awit 85:6
Ano ang revival? Nag-research kami kung ano ang hitsura ng revival sa kasaysayan, nag-aral mula sa mga dinamika nito, nanalangin tungkol dito, at sinubukang gumawa ng isang depinisyon na maaaring makatulong para sa ating kilusan. Pagkalipas ng siyam na buwan, nakarating kami sa isang depinisyon:
Isang panahon ng mga tagumpay
sa salita, gawa, at kapangyarihan
na nagdadala ng isang bagong normal
ng karanasan at kasamahan ng Kaharian at pagbubunga
Ito ay sa loob at sa labas. Ito ay panloob at panlabas.
Maaaring mabuhayan muli ang ating mga kaluluwa, ngunit ito ay dapat na magbuhos sa misyon. Nagbubunga ito. Hindi lamang ito para kumonekta sa mga indibidwal na kaluluwa, kundi ang tunay na revival ay nagdudulot din ng pagbabago sa ating mga relasyon, sa ating mga komunidad, at sa ating mga lipunan. Ito ay kumakalat sa mundo. Talaga itong kailangang magdala ng bagong normal, hindi lamang sa atin kundi pati na rin sa ating paligid: isang bagong normal na mabuti at makatarungan.
At ito rin ay personal. Ang mga revival ay hindi mga sandali, kundi mga kilusan, at gayunpaman, madalas itong nagsisimula sa isang tao. Ang mga propesor ng seminaryo na sina Malcolm McDow at Alvin Reid ay nagsabi ng ganito: “Ang mga revival ay palaging nagsisimula sa mga personal na pagtagpo sa Panginoon at dumadaan sa mga concentric circles hanggang sa kanilang mga konklusyon... Ang revival ay palaging nagsisimula sa isa o mga ilan na seryoso sa Panginoon, pinapalakas Niya, at nagiging mga apoy na magpapabuhay sa iba.”
Ito ay isang pattern na maaari nating sabihin ng may kumpiyansa: walang revival sa kasaysayan na nagsimula nang walang mga taong nagbagong-buhay. Sa isang tunay na kahulugan, ang revival ay nagsisimula sa loob ng isang tao o grupo ng mga tao. Ang mangangaral sa maagang ika-20 siglo na si Rodney “Gypsy” Smith ay tinanong kung paano magsimula ng isang revival. Sumagot siya, “Pumunta ka sa bahay. Isara ang iyong pinto. Lumuhod sa gitna ng sahig, at gamit ang isang piraso ng tisa, gumuhit ng bilog sa paligid mo. Doon, sa iyong mga tuhod, magdasal ng taimtim at nagdadalamhating humiling kay God na magsimula ng isang pagbabangon sa loob ng bilog na iyon.”
Hindi natin maaaring balewalain ang personal na karanasan ng revival. Isa itong binhi. Nagsisimula ito ng maliit at hindi napapansin sa lupa ng isang desperadong puso, ngunit maaari din itong mag-escalate sa isang kilusan ng mga tao na kumakalat ng malawak upang ang mga komunidad at kahit na mga bansa ay makatagpo ng kanlungan sa ilalim nito.
Hinihiling mo ba sa Panginoon na magsimula ng pagbabangon sa iyo?
PUNTOS NG PANALANGIN:
- Hilingin sa Panginoon kung paano magsimula ng revival sa iyong sariling puso.
- Ipanalangin na ang iyong personal na revival ay maging isang pang-udyok para sa pagbabangon sa mga tao sa paligid mo.
- Ipanalangin na ang personal na revival ay magsanhi ng mga apoy ng pagbabangon sa iyong komunidad.
Scripture
About this Plan

Halina't samahan ang mga mananampalataya sa buong mundo para sa sama-samang pananalangin para sa revival at spiritual awakening ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga leader mula sa buong mundo ay nag-ambag sa gabay na ito, na magbibigay sa iyo ng isang kasangkapan para sa inspirasyon, pag-unawa, at paghihikayat upang mapasigla ang iyong mga panalangin. Makiisa sa pagdarasal kasama ang mga mananampalataya mula sa lahat ng mga bansa para sa loob ng 40 araw bago ang Collegiate Day of Prayer!
More
Related Plans

Talking to God: A Guilt Free Guide to Prayer

Living by Faith: A Study Into Romans

Uncharted - Navigating the Unknown With a Trusted God

I Don't Even Like Women

Filled, Flourishing and Forward

How Jesus Changed Everything

The Otherness of God

When It Feels Like Something Is Missing

Trusting God in the Unexpected
