Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa PanalanginSample

Araw 7: Kilala Mo Ba Talaga ang Diyos?
Isinulat ni Tiago Suguihara (Si Tiago ay ang senior pastor ng Relevans Church sa São Paulo, Brazil.)
“Pinagpala ang mga may matinding hangarin na sumunod sa kalooban ng Diyos,
sapagkat sila'y bibigyang kasiyahan ng Diyos.”
— Mateo 5:6
Sa ating spiritual journeys, madalas tayong makakapag-likom ng malawak na kaalaman tungkol sa Diyos sa pamamagitan ng mga sermon, pag-aaral ng Bibliya, at personal na pagbabasa. Ngunit may isang mahalagang tanong na nananatili: kilala ba talaga natin Siya? Isang bagay ang malaman ang tungkol sa Diyos sa intelektwal na paraan—maintindihan ang Kanyang mga gawa at mga katangian—at ibang bagay ang maranasan ang Kanyang presensya, maglakad kasama Siya, marinig ang Kanyang tinig, at kilalanin ang Kanyang puso para sa atin. Ang kaalaman tungkol sa Diyos ay maaaring mag-iwan sa atin ng maraming impormasyon ngunit walang pagniniig.
Ito ang kalagayan ng marami sa atin ngayon: may kaalaman sa mga bagay na espiritwal ngunit malayo sa relasyon. Inaanyayahan tayo ng Diyos sa mas marami pang bagay, tinatawag tayo sa higit pa sa kaalaman at pumasok sa pakikiniig. Nais Niya na tayo ay lumipat mula sa pagkakaroon lamang ng kaalaman tungkol sa Kanya patungo sa tunay na pagkakakilala sa Kanya—personal, malalim, at tapat.
Ang ating mundo ay puno ng mga taong gutom sa mga bagay na espirituwal, palaging naghahanap ng isang bagay na magbibigay kasiyahan sa kanilang panloob na pangangailangan. Ang iba ay tumitingin sa hanapbuhay, relasyon, o kahit relihiyon, iniisip na ito ang makakapagbigay sa kanila ng kasiyahan. Ngunit patuloy pa rin nilang nararamdaman ang kalungkutan. Nakakatuwa, ang marami ay naghahanap ng kasiyahan sa lahat ng lugar maliban sa kung saan talaga ito matatagpuan—sa relasyon sa Diyos.
Hindi naaakit ang Diyos sa intelektuwal na kaalaman o sa panlabas na relihiyon. Siya ay naaakit sa gutom. Sa buong kasaysayan, Siya ay nagbuhos ng Kanyang Espiritu at nagdala ng pagbabalik-loob sa mga lugar kung saan ang mga tao ay talagang nauuhaw para sa Kanya. Ang Diyos ay naghahanap ng mga tao na hahanap sa Kanya nang may matinding, hindi mapipigilang pananabik—isang gutom na tanging sa Kanyang presensya lamang matutugunan. Ang Kanyang Espiritu ay hindi maaaring pilitin, ngunit Siya ay maaaring tanggapin kung saan ang mga puso ay tapat na naghahanap sa Kanya. Ang gutom na ito sa Diyos ay hindi lamang nakakaakit ng Kanyang presensya kundi binabago tayo at, sa pamamagitan natin, ang mundo sa paligid natin.
Maglaan ng oras ngayon upang suriin ang iyong puso. Nais mo bang makilala ang Diyos ng personal, o nasiyahan ka na lamang sa kaalaman tungkol sa Kanya? Tanungin ang iyong sarili kung saan ka naghahanap upang punan ang espirituwal na gutom sa mga pansamantalang kapalit. Ang tunay na gutom sa Diyos ay hindi lamang isang panandaliang damdamin kundi isang malalim, patuloy na pananabik na nagtutulak sa atin palapit sa Kanya bawat araw. Manalangin para magningas ang gutom na ito sa iyong puso, at magpasya na sumunod sa Diyos nang may bago, masugid na alab na higit pa sa nakasanayan lamang at pagindapatin ang pagniniig sa Diyos.
Panginoon, nais ko ng higit pa sa kaalaman tungkol sa Iyo. Gisingin Mo sa aking puso ang isang malalim, hindi-mapapawi na gutom para sa Iyong presensya. Turuan Mo akong hanapin Ka, kilalanin Ka, at maranasan ang Iyong puso. Patawarin Mo ako sa paghahanap ng kasiyahan sa ibang lugar. Nawa’y maging lugar ng Iyong Espiritu ang aking buhay at ang aking puso ay magsumamo para sa higit pa ng Iyong presensya bawat araw. Amen.
PUNTOS NG PANALANGIN:
- Manalangin para sa isang malalim na gutom at uhaw sa mga puso ng mga Kristiyano na magtutulak sa kanila sa isang tunay na relasyon sa Diyos.
- Manalangin na pag-alabin ng Diyos sa atin ang pananabik para sa intimacy na higit pa sa kaalaman, na magiging sanhi ng tunay na pagbabago.
- Magsumamo para sa isang movement ng Espiritu ng Diyos na magpapalambot sa kahit ang pinakamatitigas na puso, na nagsasabi, “May Diyos!”
Scripture
About this Plan

Halina't samahan ang mga mananampalataya sa buong mundo para sa sama-samang pananalangin para sa revival at spiritual awakening ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga leader mula sa buong mundo ay nag-ambag sa gabay na ito, na magbibigay sa iyo ng isang kasangkapan para sa inspirasyon, pag-unawa, at paghihikayat upang mapasigla ang iyong mga panalangin. Makiisa sa pagdarasal kasama ang mga mananampalataya mula sa lahat ng mga bansa para sa loob ng 40 araw bago ang Collegiate Day of Prayer!
More
Related Plans

Finding Strength in Stillness

Discover God’s Will for Your Life

EquipHer Vol. 26: "How to Break the Cycle of Self-Sabotage"

Made New: Rewriting the Story of Rejection Through God's Truth

Time Reset for Christian Moms

EquipHer Vol. 24: "Who’s Economy Are You Working For?"

Drawing Closer: An Everyday Guide for Lent

Slaying Giants Before They Grow

Ruth: A Story of Choices
