Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa PanalanginSample

Araw 9: Mga Taong May Kaalaman Itinaas sa Panalangin
Isinulat ni Belinda Gracia (JARS International Ministry, Indonesia)
“Binigyan ng Diyos ang apat na kabataan ng kaalaman at kakayahan sa panitikan at agham. Bukod dito, binigyan pa si Daniel ng kakayahang umunawa at magpaliwanag ng lahat ng uri ng pangitain at panaginip.”
— Daniel 1:17
“...ngunit maninindigan ang mga nananatiling tapat sa kanilang Diyos.”
— Daniel 11:32b
Ang panalangin ay higit pa sa paghingi ng anumang bagay. Kapag nananalangin tayo para sa pagbabago at revival, ito ay paraan ng pag-aayon ng ating mga puso sa Kanyang puso at sa Kanyang takdang panahon. Sa halip na humiling ng gusto natin, binubuksan natin ang ating mga puso upang maunawaan ang nais Niyang ipamalas sa ating henerasyon at bansa. Inaayon natin ang ating mga puso dito at sumasang-ayon sa pamamagitan ng ating “oo.”
Bukod sa lahat ng mga kaloob na ibinigay ng Diyos kay Daniel at sa kanyang mga kaibigan, pinili ni Daniel na “mamuhay bilang isang taong may pang-unawa” sa gitna ng lahat ng pressure ng kasamaan ng tao, lipunan, at kultura. Pinili niyang ituon ang kanyang mga mata sa panalangin, inaayon ang kanyang puso sa mga pangako at salita ng Diyos. Nakipagbuno siya hanggang sa makita niya ang katuparan ng mga pangako ng Diyos. Si Daniel ay kumilos nang may tapang dahil kilala niya ang Diyos sa pamamagitan ng kanyang malapit na kaugnayan sa Panginoon. Naiintindihan niya na ang Diyos ang may kontrol, kahit na hindi ito halata sa mga pangyayari. Nananalangin siya at kumikilos nang naaayon habang inaayon ang kanyang puso sa puso ng Diyos para sa kanyang henerasyon.
Naranasan ko rin ito, isinuko ang aking kabataan upang hubugin bilang isang taong may pang-unawa. Pinalitan ng Diyos ang aking mga panalangin ng paanyaya upang sumunod nang inaayon ko ang aking puso sa Kanyang puso para sa aking henerasyon. Kaagad matapos akong magtapos sa unibersidad, tinawag ako ng Diyos na ialay ang aking buhay para sa susunod na henerasyon. Itinanong Niya sa akin ang ganito: “Gusto mo bang magtayo ng isang bagay mula sa iyong bansa, para sa iyong bansa?”
Hindi ko alam na kakailanganin nito ng maraming tapang na salungatin ang kultura at tumayo sa agwat para sa aking henerasyon. Sa silid panalanginan ng aming simbahan, kasama ng aking mga kaibigan, kami ay nag-commit na buuin ang aming organisasyon, hindi alam na ito’y maghahanda sa maraming kabataan sa mga isla upang mamuhay nang buong puso para sa Kanya. Sila ay naging mga lalake at babaeng may pang-unawa na naglakas-loob na iayon ang kanilang “oo” sa kagustuhan ng Diyos. Kami ay nagpakahirap sa panalangin upang makita ang katuparan ng Diyos para sa aming bansa—ang makitang ang Indonesia bilang isang tumatanggap na bansa na magiging taga-pagpadala ng mga misyonero.
Habang nakikipaglaban sa Covid noong 2020, muling nagsalita ang Diyos: “Gusto mo bang maging sagot sa iyong panalangin, isuko ang iyong pamumuno sa organisasyon, at pumunta upang ihanda ang daan para sa maraming Indones na maipadala, sa pamamagitan ng una mong pagpapadala sa isa sa mga bansa sa Kanlurang Asya?” Matapos ang mga taon ng pag-aayon ng aking puso sa Kanyang puso, paglikha ng tapang upang magsabi ng “oo,” at pagkakaroon ng pang-unawa sa panahon at oras para sa aming henerasyon, ngayon ay nasasaksihan namin ang epekto ng “oo” na iyon para sa susunod na henerasyon.
Ganito magaganap ang revival at pagbabago sa bawat panahon—sa pamamagitan ng mga taong may pang-unawa na handang tumayo at sumunod.
PUNTOS NG PANALANGIN:
- Manalangin para sa mga lalake at babaeng may pang-unawa na itataas sa henerasyong ito, na pipiling mamuhay nang bukod at iayon ang kanilang mga puso sa lugar ng panalangin, makipagbuno sa mga pangako ng Diyos, at manalangin hanggang matupad ito.
- Manalangin na ang mga lalake at babaeng ito sa mga campus ay buong tapang na ituon ang kanilang mga mata at puso sa Kanya, sa halip na sa lipunan, kultura, o pressure sa mundo.
- Manalangin na ang kaalaman tungkol sa Diyos ay lumaganap sa henerasyong ito sa pamamagitan ng Banal na Espiritu upang ang mga ito ay magpakumbaba nang may sigasig sa katangian at mga pangako ng Diyos na maihayag sa henerasyong ito.
Scripture
About this Plan

Halina't samahan ang mga mananampalataya sa buong mundo para sa sama-samang pananalangin para sa revival at spiritual awakening ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga leader mula sa buong mundo ay nag-ambag sa gabay na ito, na magbibigay sa iyo ng isang kasangkapan para sa inspirasyon, pag-unawa, at paghihikayat upang mapasigla ang iyong mga panalangin. Makiisa sa pagdarasal kasama ang mga mananampalataya mula sa lahat ng mga bansa para sa loob ng 40 araw bago ang Collegiate Day of Prayer!
More
Related Plans

From Overwhelmed to Anchored: A 5-Day Reset for Spirit-Led Women in Business

No More Mr. Nice Guy: Saying Goodbye to Doormat Christianity

____ for Christ - Salvation for All

Engaging in God’s Heart for the Nations: 30-Day Devotional

Breaking Free From Shame

Small Yes, Big Miracles: What the Story of the World's Most Downloaded Bible App Teaches Us

Live Well | God's Plan for Your Wellbeing

Leviticus | Reading Plan + Study Questions

Filled, Flourishing and Forward
