YouVersion Logo
Search Icon

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa PanalanginSample

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

DAY 8 OF 40

Araw 8: Pagkilala sa Tinig ni Jesus

Isinulat ni Sarah Courtemanche (Si Sarah ay nagsisilbi sa The Navigators bilang national prayer coordinator para sa mga kolehiyo. Tinutulungan din niya ang kanyang asawa sa pangangalaga ng mga campus ministries sa New England at New York.)

“Sa pamamahala ni Eli, si Samuel ay patuloy na naglingkod kay Yahweh. Nang panahong iyon, bihira nang magpahayag si Yahweh at bihira na rin ang mga pangitaing galing sa kanya. Hindi pa kilala noon ni Samuel si Yahweh sapagkat hindi pa ito nagpahayag sa kanya. Sa ikatlong pagtawag ni Yahweh, muling lumapit si Samuel kay Eli at sinabi, “Narinig ko pong tinawag ninyo ako.” Sa pagkakataong iyon, naunawaan ni Eli na si Yahweh ang tumatawag sa bata,kaya sinabi niya, “Mahiga kang muli at kapag narinig mo pang tinawag ka, ganito ang sabihin mo: ‘Magsalita po kayo, Yahweh. Nakikinig po ang inyong lingkod.’” At muli ngang nahiga si Samuel.Si Yahweh ay lumapit kay Samuel at muli itong tinawag, “Samuel, Samuel!” Sumagot si Samuel, “Magsalita po kayo, nakikinig ang inyong lingkod.”

— 1 Samuel 3:1, 7-10

Habang iniisip ko kung paano unang nangusap ang Diyos kay Samuel, naaalala ko na kahit ang mga may malalalim na buhay panalangin at regular na nakikinig sa Diyos ay nagsimula sa isang punto. Nakapagpapalakas ito ng loob sa akin! Sino ba sa atin ang hindi nahirapan na marinig ang tinig ni Diyos o makilala ito mula sa ibang mga tinig sa ating isipan?

Pinahahalagahan ko kung paano inilarawan sa kuwento ang inisyasyon ng Diyos kay Samuel at ang Kanyang pagtitiyaga sa kanya. Hindi sumusuko ang Diyos kay Samuel kahit ilang beses pa siyang nagkamali sa pakikinig! Ang mga salita ng Diyos kay Samuel ay pareho ng kung paano Siya nagsalita sa Kanyang mga tao sa nakaraan. Ginamit ni Diyos si Eli upang tulungan si Samuel na makilala ang Kanyang tinig at malaman kung paano ito sasagutin.

Naniniwala ka ba na ang Diyos ay patuloy na nagsasalita sa Kanyang mga tao? Na may mga salita Siyang nais iparating sa iyo? Ang pakikinig ay madalas na nagmumula sa pagpapalago ng isang mapanuri at masunuring puso sa Diyos, tulad ni Samuel. Ilan sa mga mungkahi ay:

- Magkaroon ng regular na oras upang magtakda ng panahon para sa katahimikan, malayo sa ingay ng buhay, upang makinig sa Diyos, magnilay sa mga Kasulatan, at iproseso ang mga bagay na iyong dinadamdam, mga pangarap, at mga karaniwang kalagayan. Bilang isang mag-aaral, madalas kong ginugol ang mga Biyernes ng hapon upang magbisikleta sa bayan, maghanap ng tahimik na bench o coffee shop upang basahin ang Bible, mag-journal, at mag-enjoy na kasama ang Panginoon—tulad ng pakikisalamuha ko sa isang kaibigan! Sa pamamagitan ng mga ito at mas maiikli pang oras, natutuhan kong marinig ang Kanyang puso at tinig, at magtiwala sa Kanya.

- Tulad ni Samuel, kailangan ko ng iba upang matulungan akong makilala ang tinig ni Jesus sa gitna ng ibang mga tinig (hal. ang aking sarili, ang kultura, tinig ng mga magulang). Sino ang maaari mong makasama upang lumago sa pagkakilala kay Kristo at sa Kanyang tinig? Ibahagi ang inyong buhay, magbasa at magnilay sa mga Kasulatan, magdasal nang magkasama. Ang tatlong simpleng gawain na ito, sa paglipas ng panahon, ay maaaring magdulot ng malalaking epekto sa iyong personal na buhay at sa Kaharian ng Diyos.

PUNTOS NG PANALANGIN:

- Magnilay-nilay sa kwento ni Samuel (1 Samuel 3) at ang mga implikasyon nito sa iyong sariling buhay.

- Tanungin, “Jesus, paano Mo inihahayag ang Iyong sarili sa pamamagitan ng talatang ito?”

- Manalangin na ilahad Niya ang anumang nais Niyang ipakita sa iyo tungkol sa iyong puso, paniniwala, o mga gawain.

About this Plan

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

Halina't samahan ang mga mananampalataya sa buong mundo para sa sama-samang pananalangin para sa revival at spiritual awakening ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga leader mula sa buong mundo ay nag-ambag sa gabay na ito, na magbibigay sa iyo ng isang kasangkapan para sa inspirasyon, pag-unawa, at paghihikayat upang mapasigla ang iyong mga panalangin. Makiisa sa pagdarasal kasama ang mga mananampalataya mula sa lahat ng mga bansa para sa loob ng 40 araw bago ang Collegiate Day of Prayer!

More