Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa PanalanginSample

Araw 1: Madaliang at Desperadong Panalangin
Isinulat ni Johnathan “JP” Pokluda (Si JP ay ang pastor ng Harris Creek Baptist Church sa Waco, Texas, at dating pinuno ng The Porch. Naninirahan siya kasama ang kanyang asawang si Monica at ang kanilang tatlong anak.)
“Hanapin mo si Yahweh habang siya'y matatagpuan,
manalangin ka sa kanya habang siya'y malapit pa.”
– Isaias 55:6
Mayroong kasidhian sa talatang ito na hindi natin maaaring balewalain. Ito’y isang panawagan na isantabi ang lahat at hanapin ang Diyos nang buong puso, na hayaan Siyang gawing debosyon ang ating mga libangan. Ang revival ay hindi nagsisimula sa malalaking aksyon; ito’y nagsisimula sa payak at desperadong panalangin—isang pagnanais para sa higit pa ng Diyos at para sa mas kaunti sa mga bagay na humahadlang sa atin mula sa Kanya.
Sa mga kampus sa buong mundo, napakataas ng panganib. Napakaraming kabataan ang nakararanas ng pagkabalisa, kalungkutan, at pamimilt upang matagpuan ang kanilang halaga sa mga bagay na sa huli’y lilipas din. Sa mga lugar na iyon, iniimbitahan tayo ng Diyos na manalangin at hanapin Siya, tumayo nang matatag sa Kanyang katotohanan, at magtiwala na kaya Niyang abutin ang ating mga kaibigan, pamilya, at mga kakilala na nakakaramdam ng pagkawalay o pagka-overwhelm.
Paano kung manalangin tayo na parang bawat puso sa paligid natin ay maaaring gisingin sa pagmamahal at layunin ni Jesus? Ang revival ay hindi naghihintay—nagsisimula ito sa sandaling hingin natin sa Diyos na kumilos at sabihin, “Simulan Mo sa akin.”
PUNTOS NG PANALANGIN:
- Ipanalangin ang revival sa mga kampus. Hilingin sa Diyos na magdala ng revival sa mga kolehiyo, na mag-apoy ng sigasig para sa Kanyang Salita at mga layunin (Habakuk 3:2).
- Ipanalangin na makilala ng mga mag-aaral si Jesus. Ipanalangin na mabuksan ang kanilang mga puso kay Jesus, na maranasan nila ang tunay na pakikipagkapwa at pagkakakilanlan sa Kanya (Juan 10:10).
- Ipanalangin ang pagtitiyaga sa pananampalataya. Ipanalangin na ang mga mananampalataya ay manatiling matatag, lumago sa pananampalataya, at maging matibay sa kanilang patotoo, na nagtitiwala sa kapangyarihan ng Diyos sa bawat pagsubok (1 Tesalonica 5:16-18).
Scripture
About this Plan

Halina't samahan ang mga mananampalataya sa buong mundo para sa sama-samang pananalangin para sa revival at spiritual awakening ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga leader mula sa buong mundo ay nag-ambag sa gabay na ito, na magbibigay sa iyo ng isang kasangkapan para sa inspirasyon, pag-unawa, at paghihikayat upang mapasigla ang iyong mga panalangin. Makiisa sa pagdarasal kasama ang mga mananampalataya mula sa lahat ng mga bansa para sa loob ng 40 araw bago ang Collegiate Day of Prayer!
More
Related Plans

Talking to God: A Guilt Free Guide to Prayer

Living by Faith: A Study Into Romans

Uncharted - Navigating the Unknown With a Trusted God

I Don't Even Like Women

Filled, Flourishing and Forward

How Jesus Changed Everything

The Otherness of God

When It Feels Like Something Is Missing

Trusting God in the Unexpected
