YouVersion Logo
Search Icon

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa PanalanginSample

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

DAY 38 OF 40

Araw 38: Mga Saksi Para Kay Jesus

Ni Jimmy Seibert (Si Jimmy, ang kanyang asawang si Laura, at isang grupo ng mga kaibigan ay nagtatag ng Antioch Ministries International noong 1987 at Antioch Community Church noong 1999 sa Waco, Texas.)

“Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at sa Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig.”

—Mga Gawa 1:8

Noong 1991, ang aming team ay nasa Veliko Tarnovo, Bulgaria, na nakikipagtulungan sa mga lokal na mag-aaral sa kolehiyo sa panahon ng spiritual awakening kasunod ng 70 taon ng pamumuno ng komunistang rehimen. Bawat araw kami ay gumaganap ng mga drama, nangangaral, at nananalangin para sa mga may sakit, na umaabot sa daan-daang tao na unang nakarinig ng ebanghelyo.

Isang gabi, habang sinusubukan kong tapusin ang aming outreach bandang alas-5 ng hapon, isang estudyante mula sa unibersidad ng Bulgaria ang humawak sa aking balikat at nagtanong, “Saan ka pupunta?” Tumingin siya sa akin, at may mga luha ang dumadaloy mula sa kanyang mga mata. “Bakit ka nagmamadali samantalang ang mga tao ay sobrang gutom kay Jesus?”

Kahit sa pagbabahagi lamang ng kuwentong ito, ang aking puso ay malalim na naaapektuhan. Ang kanyang mga salita ay nag-udyok sa akin na magdasal. “Patawarin mo ako. Mananatili ako,” tugon ko. Ang gabing iyon ay isa sa aming pinakamakapangyarihang outreach—ang mga Muslim ay nakatagpo kay Jesus, ang mga may sakit ay gumaling, at buong pamilya ang nabago ng ebanghelyo.

Ang kuwentong ito ay nagpapaalala sa atin na tayo ay tinawag upang maging mga saksi para kay Jesus sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu sa bawat sitwasyon—maging sa mga dramatikong sandali tulad ng sa Bulgaria o sa mga pang-araw-araw na pagkakataon na ibahagi ang Kanyang pag-ibig. Ang mga tao ay desperadong nangangailangan ng pag-asa na matatagpuan lamang kay Jesus, na naghayag, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makararating sa Ama kundi sa pamamagitan ko.”

Ang ating mga campus ay puno ng mga tao na nangangailangan kay Jesus. Ngayon, ipanalangin natin na ang Banal na Espiritu ay muling magpuno sa atin, upang magbigay-lakas sa atin na maging matapang na mga saksi at ipahayag ang Kanyang kaluwalhatian sa gitna ng sakit at pangangailangan ng mga tao.

PUNTO NG PANALANGIN:

Ipanalangin na ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu ay magpuno sa atin at sa ating mga kaibigan, upang magbigay-lakas sa masigasig na pagpapahayag ni Jesus sa ating mga campus (Mga Gawa 1:8).

Ipanalangin na ang habag ng Diyos ay magtulak sa atin habang tinitingnan natin ang napakaraming tao, na magbibigay inspirasyon sa atin na mangaral, magmahal, at magpahayag kay Jesus (Mateo 9:35-38).

Ipanalangin ang pag-apaw ng Banal na Espiritu, hindi lamang sa mga indibiduwal kundi sa buong campus, tulad ng nasaksihan sa Bulgaria. Nawa'y dumating ang pagbangon sa ating mga campus ngayon (Isaias 64:1-4).

Scripture

About this Plan

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

Halina't samahan ang mga mananampalataya sa buong mundo para sa sama-samang pananalangin para sa revival at spiritual awakening ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga leader mula sa buong mundo ay nag-ambag sa gabay na ito, na magbibigay sa iyo ng isang kasangkapan para sa inspirasyon, pag-unawa, at paghihikayat upang mapasigla ang iyong mga panalangin. Makiisa sa pagdarasal kasama ang mga mananampalataya mula sa lahat ng mga bansa para sa loob ng 40 araw bago ang Collegiate Day of Prayer!

More