YouVersion Logo
Search Icon

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa PanalanginSample

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

DAY 36 OF 40

Araw 36: Kapangyarihan ng Panalangin

Ni Milton Raj (Si Milton ay isang youth pastor sa New Life Assembly of God Church sa Hyderabad, India.)

Maging matiyaga kayo sa pananalangin, laging handa at nagpapasalamat sa Diyos. Idalangin ninyo sa Diyos na bigyan kami ng pagkakataon na maipangaral ang kanyang salita at maipahayag ang hiwaga ni Cristo, ang sanhi ng pagkabilanggo ko ngayon. Ipanalangin din ninyong maipahayag ko ito nang buong linaw, gaya ng nararapat. Maging matalino kayo sa pakikitungo sa mga hindi nananampalataya at samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon. Sikapin ninyong laging maging kaaya-aya at kapaki-pakinabang ang inyong pananalita sa kanila, at matuto kayong sumagot nang tama sa lahat ng tao.—Colosas 4:2-6

Ang panalangin ay nagtatatag ng pundasyon. Ang paggugol ng oras kasama ang Diyos, pakikinig sa Kanya, at paghingi ng Kanyang tulong ay bumubuo ng pundasyon para sa paglilingkod kay Cristo at pagtupad sa Kanyang layunin. Ang iyong ginagawa para sa Diyos ay dapat magmula sa iyong oras kasama ang Diyos. Ang tunay na saksi ng Kristiyano ay dapat nagmumula sa isang matibay na personal na relasyon kay Jesus. Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng araw-araw na paglalaan ng oras para kausapin ang Diyos at pag-aralan ang Kanyang Salita.

Ang panalangin ay tumutulong sa atin na malaman ang patnubay ng Diyos. Ang panalangin ay pagkikipag-usap sa Diyos. Bukod sa paggugol ng oras sa Kanyang Salita, ang panalangin ang pangunahing paraan upang makilala natin ang Diyos at matanggap ang Kanyang patnubay. Ito rin ang paraan ng pagpapahayag natin ng ating mga nais, alalahanin, at pagtitiwala sa Kanya. Ang panalangin ay hindi kung paano makakamtan ang ating mga nais sa buhay; sa halip, ito ay kung paano natin makakamtan ang nais ng Diyos sa ating buhay. Dito natin makakamtan ang Kanyang pananaw at madarama ang Kanyang direksyon sa ating buhay.

Ang panalangin ay naghahanda sa iba upang makilala si Cristo. Ang panalangin ay tiyak na susi sa epektibong pag-abot sa iba ng mensahe ni Cristo. Sinabi ni Jesus, "Walang makakalapit sa akin malibang dalhin siya sa akin ng Ama na nagsugo sa akin.” Hindi ang iyong paraan ng pagpapahayag ang magdudulot upang tumugon ang mga tao. Ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu ang magpapaniwala sa mga tao sa katotohanan at magtutok sa kanilang mga puso patungo sa pananampalataya kay Jesus Cristo. Ginagawa ng Banal na Espiritu ang gawaing ito bilang tugon sa masugid na panalangin ng mga Kristiyano.

Ang panalangin ay naghahanda sa iba upang makipagtulungan sa atin. Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao na ang buhay ay nasisira at walang pag-asa, nagbigay Siya ng kahilingan na ito: "Idalangin ninyo sa may-ari ng aanihin na magpadala siya ng mga mag-aani."

Malaki ang ani sa aking bahagi ng mundo. Ang Timog Asya ay may pinakamalaking bahagi ng mga kabataang tao sa buong mundo, kung saan 48 porsyento ng populasyon ay nasa ilalim ng edad na 24. Halos 100,000 kabataan ang pumapasok sa job market araw-araw, na nagiging pinakamalaking pwersa ng kabataang manggagawa sa buong mundo.

PUNTO NG PANALANGIN:

Ipanalangin na malaman ng mga mag-aaral na ang lihim ng tagumpay sa pag-abot sa mga kabataan ay sa pamamagitan ng panalangin—at na sila ay maglalaan ng oras upang manalangin.

Ipanalangin na itataas ng Diyos ang marami pang mga kabataang manggagawa sa mga kolehiyo para sa Kanyang Kaharian.

Ipanalangin na ang bawat kolehiyo ay magkaroon ng mga fellowship sa campus.

About this Plan

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

Halina't samahan ang mga mananampalataya sa buong mundo para sa sama-samang pananalangin para sa revival at spiritual awakening ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga leader mula sa buong mundo ay nag-ambag sa gabay na ito, na magbibigay sa iyo ng isang kasangkapan para sa inspirasyon, pag-unawa, at paghihikayat upang mapasigla ang iyong mga panalangin. Makiisa sa pagdarasal kasama ang mga mananampalataya mula sa lahat ng mga bansa para sa loob ng 40 araw bago ang Collegiate Day of Prayer!

More