Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa PanalanginSample

Araw 39: Convergence ng mga Misyon at Prayer Movements
Ni Dick Eastman (Si Dick Eastman ay ang president emeritus ng Every Home for Christ, isang ministeryo na kanyang pinamunuan sa buong mundo mula 1988 hanggang 2022. Siya rin ay isang nagtatag na miyembro at pangulo ng National Prayer Committee ng Amerika.)
upang sa daigdig mabatid ng lahat
ang iyong kalooban at ang pagliligtas.
—Awit 67:2
Noong tinanong upang magbahagi tungkol sa global convergence ng mga prayer movements at misyon sa mga delegado mula sa humigit-kumulang 90 bansa sa 2012 World Prayer Assembly sa Jakarta, Indonesia, ako’y nakapansin ng isang bagay na kawili-wili tungkol sa larawan ni Ezekiel ng isang ilog ng pagpapagaling na umaagos mula sa Templo ng Diyos patungo sa mga nakapaligid na bansa (tingnan ang Ezekiel 47:1-9). Talaga ngang ipinakita ni Ezekiel ang dalawang agos na dumadaloy mula sa Templo at naging isang malakas na ilog na patuloy na lumalalim habang pinapalakas ng dalawang agos na ito. Layunin ng ilog ang pagpapagaling ng mga bansa. Ipinahayag ni Matthew Henry, isang nangungunang theologian noong kanyang panahon (1662-1714), “Ang mga tubig na ito ay sumasagisag sa ebanghelyo ni Cristo, na lumabas mula sa Jerusalem at kumalat sa mga kalapit na bansa; pati na rin ang mga kaloob at kapangyarihan ng Banal na Espiritu na sumusuporta rito… Si Cristo ang Templo at Siya ang Pinto, mula sa Kanya dumadaloy ang mga buhay na tubig, mula sa Kanyang sugatang tagiliran.”
Kahit na ang hinuha ni Matthew Henry ay itinuturing lamang na simboliko, hindi ko maiwasang isipin ang lumalaking epekto sa ani ng mga kaluluwa sa buong mundo habang ang mga prayer movements at misyon ay nagsasanib sa mas malaking pagkakaisa at lakas sa mga darating na araw. Ang ministeryong aking pinamunuan ng 34 na taon, ang Every Home for Christ, ay tiyak na nakita ang epekto ng pagtutok na ito sa dramatikong paraan sa pagtatayo ng isang international na punong-tanggapan (Ang Jericho Center) na naglalayong mag mobilize ng araw at gabing mga panalangin na puspos ng pagsamba para sa ani.
Ang koneksyon sa pagitan ng panalangin at misyon ay malinaw na nakikita sa mga salita ni Cristo. Siyempre, ang karamihan sa mga mananampalataya ay pamilyar sa Dakilang Tagubilin na ibinigay ni Cristo sa Iglesia. Sa Mateo 28:19, sinabi ni Jesus, “Kaya't humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo”. Ito ay tinatawag na Dakilang Tagubilin. Ito ang ating “Utos ng Misyon!”
Gayunpaman, 19 na kabanata bago ito, inihayag ni Jesus ang tinatawag kong Dakilang Kondisyon sa Dakilang Tagubilin. Sa Mateo 9:37-38, sinabi ni Cristo, “Kaya't sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Napakaraming aanihin, ngunit kakaunti ang mag-aani.38 Idalangin ninyo sa may-ari ng aanihin na magpadala ng mga mag-aani.”” Ito ang ating “Utos ng Panalangin.” Walang magiging matagumpay na “Humayo kayo” kung walang “Manalangin kayo” na unang nangyayari.
Ito ay napakahalaga upang mailunsad ang napakaraming manggagawa na kinakailangan upang magtipon sa dakilang huling ani ng kasaysayan. Kaya’t matagal ko nang ipinaglalaban na ang antas ng panalangin na maipapahayag ay ang antas ng pag-eebanghelyo sa buong mundo.
PUNTO NG PANALANGIN:
Ipanalangin na ang Diyos ay magtataas ng mga “prayer influencers” sa bawat campus sa buong mundo.
Ipanalangin na ang bawat campus ay magkakaroon ng prayer room kung saan ang mga mag-aaral ay maaaring magtipon araw-araw upang magdasal.
Ipanalangin na maraming lokal na iglesya ang magiging kasali sa Collegiate Day of Prayer sa buong mundo.
Scripture
About this Plan

Halina't samahan ang mga mananampalataya sa buong mundo para sa sama-samang pananalangin para sa revival at spiritual awakening ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga leader mula sa buong mundo ay nag-ambag sa gabay na ito, na magbibigay sa iyo ng isang kasangkapan para sa inspirasyon, pag-unawa, at paghihikayat upang mapasigla ang iyong mga panalangin. Makiisa sa pagdarasal kasama ang mga mananampalataya mula sa lahat ng mga bansa para sa loob ng 40 araw bago ang Collegiate Day of Prayer!
More
Related Plans

How Christians Grieve Well

A Prayer for My Husband: Part 1

Serve: To Wield Power With Integrity

Daniel: Remembering Who's King in the Chaos

Rich Dad, Poor Son

Gems of Motherhood~ Letters to a Mama: 20ish Things I Wish I Knew Before Becoming a Mom

Meaningful Relationships, Meaningful Life

(Re)made in His Image

Heart of Worship
