Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa PanalanginSample

Araw 35: Ang Kanyang Biyaya ang Tatapos Nito
Ni Stephen Chey (Si Stephen ay isang pastor sa New Creation Church sa Seoul, Korea.)
Natitiyak kong ang mabuting gawang pinasimulan sa inyo ng Diyos ay kanyang lulubusin hanggang sa Araw ni Jesu-Cristo.
—Filipos 1:6
Tulad ni Pedro, na tumanggap ng isang nakakamanghang pangitain na maging mangingisda ng mga tao sa tabing-dagat ng Galilea, tayo rin ay tinawag na may pangitain ng revival upang baguhin ang mga lungsod at mga bansa. Gayunpaman, madalas tayong malayo sa pagiging handa. Tulad ni Pedro, sinisikap natin nang husto upang magtagumpay, ngunit nagkakamali tayo at nakakaranas ng masakit na mga kabiguan. Dito tayo napapaisip, “Karapat-dapat ba talaga ako?”
Ang nakakapag-paginhawang katotohanan ay na habang ang ating pakikipagtulungan kay Cristo ay nananatiling matatag (Filipos 1:5), maaari tayong maging tiwala na ang nagsimula ng mabuting gawa sa atin ay magtatapos nito. Hindi ito dahil sa ating sariling pagsisikap kundi sa Kanyang biyaya na tatapos dito. Ang mabuting gawa na Kanyang sinimulan ay hindi pangunahing tungkol sa pagbabalik-loob o sa pagdadala ng marami sa kaligtasan, kundi tungkol sa ating panloob na pagbabago upang maging higit na katulad ni Cristo (1:9-11). Ang prosesong ito ay nagpapakumbaba sa atin at nagpapanatili ng ating focus na maging higit na katulad ni Cristo, na lubhang mahalaga upang magamit tayo ng Diyos. Kapag tayo ay nawawala sa landas, ang talatang ito ay nagtatama at nag-aayos sa atin, tulad ng ginawa ni Jesus para kay Pedro sa Juan 21:15-22. Sa ganitong tiwala, maaari tayong bumangon muli, na alam na Kanyang tatapusin ang lahat ng Kanyang gawain sa atin.
Noong mga nakaraan na taon, ako rin ay nawalan ng pag-asa, kailangan kong umalis sa seminaryo dahil sa mga hadlang at pagsalungat. Akala ko ay tapos na—na ako’y nabigo sa layunin ng Diyos para sa akin. Isang gabi, sa Kanyang biyaya, nakatagpo ako ng kantang isinulat ni Steve Green na batay sa Filipos 1:6. Pinakinggan ko ito ng paulit-ulit, nakatagpo ng kapayapaan sa pagninilay na hindi ito tungkol sa seminaryo o revival kundi tungkol sa pagiging higit na katulad ni Cristo—at ang Diyos ang magtatapos nito. Pagkaraan, binuksan ng Kanyang biyaya ang pinto upang tapusin ko ang aking pag-aaral, at sa mga taon ding iyon, pinangunahan Niya ako sa mga karanasang nagbigay-kakayahan sa akin para sa hinaharap. Sa paglalakbay na ito, natutunan kong hindi ang aking pagsisikap kundi ang Kanyang biyaya ang naghahanda sa atin.
Dapat natin pagtibayin ang ating pagtitiwala sa Kanyang pamumuno sa ating mga buhay. Minsan, ang ating mga puso ay kailangang masaktan at mabasag, upang maranasan natin ang Kanyang malumanay na paghipo na nag-aayos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Kanyang reviving grace. Kapag tayo ay handa na, ibubuhos ng Diyos ang Kanyang Espiritu sa atin at matatanggap natin ang kapangyarihan ng Espiritu Santo, na ipapakita sa atin bilang isang nagkakaisang simbahan. Sama-sama, makikita natin ang revival sa ating panahon.
PUNTO NG PANALANGIN:
Ipanalangin ang mga nahihirapan o nawawala sa pag-asa na magkaroon ng tiwala na tatapusin ng Diyos ang mabuting gawa sa kanila.
Ipanalangin ang Simbahan na mag-focus sa pagiging katulad ni Cristo sa pagkakaisa.
Ipanalangin na tayo, bilang isang nagkakaisang Simbahan, ay magiging handang kasangkapan para sa revival upang maabot ang mga campus at mga bansa.
Scripture
About this Plan

Halina't samahan ang mga mananampalataya sa buong mundo para sa sama-samang pananalangin para sa revival at spiritual awakening ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga leader mula sa buong mundo ay nag-ambag sa gabay na ito, na magbibigay sa iyo ng isang kasangkapan para sa inspirasyon, pag-unawa, at paghihikayat upang mapasigla ang iyong mga panalangin. Makiisa sa pagdarasal kasama ang mga mananampalataya mula sa lahat ng mga bansa para sa loob ng 40 araw bago ang Collegiate Day of Prayer!
More
Related Plans

Heaven (Part 3)

Heaven (Part 1)

Hebrews: The Better Way | Video Devotional

Kingdom Parenting

Drawing Closer: An Everyday Guide for Lent

Growing Your Faith: A Beginner's Journey

Experiencing Blessing in Transition

Made New: Rewriting the Story of Rejection Through God's Truth

God in 60 Seconds - Fun Fatherhood Moments
